^

Dr. Love

Nagpakasal sa 70 anyos

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Siguro ordinaryo na lang ang matandang lalaki na ikinakasal sa batang babae. Kakaiba ako dahil umibig ako sa 70 anyos na lola at pinakasalan ko pa.

Tawagin mo na lang siyang Bessie. Matandang dalaga siya, nag-iisang nakatira sa barong-barong. Delivery boy ako na napadpad sa squatters area na kinaroroonan niya. Doon ay hinoldap ako at tinangay ang aking motor matapos gulpihin at mawalan ng malay. Sixty anyos si Bessie nang matagpuan akong nakahandusay sa tambakan.

Inalagaan ako ni Bessie sa kanyang bahay at komo nag-iisa na rin ako sa buhay at walang trabaho, pumirmi na ako sa kanyang poder. Tinutulungan ko siya sa pangangalakal hanggang mapamahal kami sa isa’t isa.

Marami sa lugar nila ang napataas ang kilay nang ikasal kami sa kasalang bayan na inisponsoran ni Mayor.

Halos limang taon na at hindi nagbabago ang aming suyuan pero parang pinandidirihan si Bessie ng mga kapitbahay sa pagpapakasal sa nakababatang tulad ko.

Ano ang gagawin ko?

Atoy

 

Dear Atoy,

Huwag pansinin ang panunudyo ng ibang tao. Ang mahalaga, tunay mong minahal si Bessie.

Wala kang kayamanang pinag-interesan dahil nangangalakal lang ng basura ang asawa mo. Ngayon ay magkatuwang na kayong naghahanapbuhay.

Kahangahanga ang inyong pagmamahalan. Sana hanggang panawan ng lakas ang asawa mo ay huwag magbago ang pag-ibig at pangangalaga sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with