^

Dr. Love

Inalok ng kasal ang caregiver

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Martha, 75 at isang biyuda. Mula nang mamatay ang asawa ko ay nag-iisa na lang ako sa aming bahay kasama ang dalawang kasambahay. 

Mabuti at may naiwang malaking halaga ang mister ko sa akin pati na ang investment namin sa dalawang kompanya na siyang bumubuhay sa akin.

Nang ma-stroke ako, kumuha ako ng caregiver na siyang nag-aalaga sa akin for three years now. Mabait siya, maalaga at makisig.

Naisip ko na since wala akong anak, kanino ko iiwanan ang kayamanan ko?  

Pangit ma’ng tingnan, iminungkahi ko sa caregiver ko na magpakasal kami dahil type ko naman siya.

Napahiya ako nang tanggihan niya ang alok ko. Hindi raw siya ang tipong magsasamantala sa isang matandang mayaman na gaya ko. 

Buong galang siyang nagbitiw at lihim akong lumuha.

Isang babaeng nurse ngayon ang nag-aalaga sa akin. Ano ang gagawin ko? 

Kanino ko iiwanan at ipamamana ang kayamanan ko?

Martha 

Dear Martha,

Wala ka mang sariling anak, I’m sure may mga malalapit kang mga kamag-anak. 

Piliin mo ‘yung mga higit na nangangaila-ngan sa kanila at hati-hatiin mo sa kanila ang yaman mo.

Mayroon ding mga charity institutions na puwede kang magdonasyon kung hangad mo ang makatulong sa kapwa.

Hanga ako sa binatang caregiver mo. Kung sakim siya, hindi ka magdadalawang salita sa inialok mong kasal.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with