^

Dr. Love

Hinamak, iniwan ng panget na bf

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sadyang iba na talaga ang panahon ngayon. Ang buong akala ko, magiging panatag ang pakikipagrelasyon ko kung sa panget ko ibibigay ang aking oo. Pero nagkamali ako. Hindi na uubra ang payo ni Andrew E. na humanap ka ng panget at ibigin mong tunay. Dahil sa kabila ng all-out na pagmamahal ko, iniwan pa ako.

Mahal naman niya ako pero nitong mga huling araw namin, bigla siyang nagsabi na boring daw ang relationship namin. At nakipag-break siya. Ang gigil ko sa kanya, Dr. Love.

Sa rami ng tukso na lumalapit sa akin at itinaboy ko lpara alagaan ang relasyon namin, ito lang pala ang mapapala ko. Pinaglaban ko siya at kinaya kong hindi bumigay sa mga lumalapit sa akin. Pero nagalit siya dahil may nagsumbong na nakikipaglandian daw ako sa ibang guys. Alangan naman hindi ko sila kibuin kung may tinatanong lang sa akin. Saka mga kilala na niya ang iba roon.

Naku, kung nababasa mo ito…hoy, panget! Ang lakas ng loob mong magmalaki sa akin. Wala akong ginawang mali at huwag mo akong husgahan. Hindi ako ang babaeng inaakala mo. Tandaan mo, minahal kita pero huwag mo akong hamakin.  Sorry po talagang naiinis lang ako. Panget na nga, panget pa ang ugali.

Bhe

Dear Bhe,

Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Masakit ang magmahal tapos, ikaw pa ang masama. Pero pwede ba, itigil mo ‘yung pagtawag mo sa kanya ng panget. Kasi parang hindi mo na rin siya nirerespeto sa paraan ng ginagawa mo.

Kung ayaw na niya sa iyo, eh hindi mo maipipilit sa kanya ‘yun. Basta malinaw sa inyong dalawa na minsan ay naging kayo at maging maayos sana ang inyong paghihiwalay.

Let’s be matured in a relationship para masaya kayong makapagsimula muli.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with