^

Dr. Love

Gustong makabawi pamilya

Pilipino Star Ngayon

 Dear Dr. Love,

Ako po si Adolf, dating OFW. Gusto kong ibahagi ang aking naging karanasan sa Saudi. Mahirap ang kalagayan ng mga Filipino roon, taliwas sa inaakala ng mga kamag-anak ko. Akala nila hayahay lang ang buhay. Hindi rin natin masisisi ang ibang Pinoy na pumapatol sa pwedeng pagkakitaan o mapaglibangan. Mas marami nga lang .ang nababaon sa utang dahil gusto nilang mas malaki ang maipadala sa kanilang mga kamag-anak. Mabuti at naging maingat ako.

Sinimulan kong magpautang sa mga kasamahan ko. Sinasanla nila ang kanilang ATM card, kapalit ng pinaluwal ko sa kanila. Hawak ko ang kanilang card hanggang sa makabayad sila.

Minsan sa awa ko, may isa na hindi ko na uli pinautang dahil wala na silang naitatabi para sa kanilang sarili. Tinatanong nga ng mga kasamahan ko kung bakit hindi ako bumili ng Saudi gold, total kaya ko naman. Hindi ko naman kako kailangan nun.

Nang makauwi ako, hindi na ako nagplano pang bumalik. Gusto ko naman makabawi sa asawa’t mga anak ko. Bagaman kaya ko pa ay nagdesisyon na akong dito na lang dahil mahirap ang mag-isang naghihintay kung kailan maka-kabalik sa Pinas.

Naaawa lang ako sa mga pamilyang napaba-yaan. Hindi makabalik ang kamag-anak na nag-abroad dahil may bago nang kinakasama roon.

‘Yung mga naipon ko, siya namang gagamitin ko para sa isang maliit na negosyong bigasan at kainan dito sa lugar namin sa QC.

Adolf

Dear Adolf,

Ikaw ay buhay na saksi sa mga karanasan ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Hanga ako sa’yo dahil hindi ka nagpadala sa mga luho at bisyo habang nasa Saudi ka. Walang kaalam-alam ang kamag-anak ng isang OFW kung gaanong hirap ang tinitiis ninyo para lang may maipadala sa kanila. Buhay mayaman sila rito, samantalang halos magkasakit at mabaon sa utang ang kamag-anak na nasa abroad para lang maging masaya ang kanilang pamilya.

Sana all maging masinop at maingat sa kita para hindi maging masalimuot ang buhay ng isang OFW na tulad mo.

Good luck sa sisi-mulan mong business at huwag ka ring makalimot na magpasalamat sa Maykapal.

DR. LOVE

vuukle comment

SAUDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with