^

Dr. Love

Biglang tinabangan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko po itanong kung normal ba sa isang tao na biglang tabangan sa kanyang kasintahan?

Tawagin n’yo na lang akong Elsa, 20 anyos, at ganyan ang ramdam ko sa boyfriend ko na tatlong buwan ko nang karelasyon.

Noong una’y mahal ko siya pero ngayon ay wala na akong nadaramang pag-ibig. Wala akong maisip na dahilan kung bakit nagkaganon, gusto ko nang makipag-break. Naaawa lang ako dahil mabait at caring siya sa akin.  Ano ang maipapayo ninyo sa akin?

Elsa

Dear Elsa,

Hindi ka tinabangan kundi talagang from the start, hindi mo talaga siya gusto. Malamang, attracted ka lang sa kanya noong una kaya mo siya sinagot. ‘Yan ang tinatawag na infatuation. Siguro dahil may katangian siyang naka-attract sa iyo. Iba ang tunay na pag-ibig sa infatuation na madaling maglaho. Kung wala ka nang feelings sa kanya, mas mabuting makipag-break ka habang maaga.

Dr. Love

DR LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with