^

Dr. Love

Feng Shui

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dati po kaming nakapisan na mag-asawa sa bahay ng aking biyenan. Unico hijo kasi ang asawa ko at ayaw ng ina niya na magkahiwalay sila.

Sa awa ng Diyos, nakaipon kami ng mister ko ng pera para makabili ng maliit na lote na pinagtayuan namin ng bahay na ini-loan namin sa Pag-ibig. Medyo dinamdam ito ng biyenan ko pero ‘di tumutol.

Sabi lang niya, bakit kami aalis gayung halos wala kaming ginagastos sa piling niya?

Akala ko mas masaya kami kung magsasarili pero hindi ganoon ang nangyari. Anim na buwan na kaming naninirahan sa bago naming bahay pero lagi kaming nag-aaway.

Pera palagi ang pinag-aawayan namin, bagay na hindi nangyayari noong nakikitira kami sa biyenan ko. Sabi ng kaibigan ko, baka malas ang pagkakaayos ng bahay namin dahil hindi naman kami dating kinakapos. Sabi ng friend ko, ipa-Feng Shui ko ang bahay namin para mawala ang malas.

Naniniwala ba kayo sa Feng Shui?

Elma

Dear Elma,

Kung Kristiyano ka bakit maniniwala ka sa turo ng ibang relihiyon? House blessing ang kailangan at hindi Feng Shui.

Isa pa, natural na lumaki ang gastusin ninyo dahil nagbabayad na kayo ng hulog sa bahay na inutang ninyo, bukod pa sa tubig at kuryente.

Noong nakatira kayo sa biyenan mo, libre lahat pati pagkain kaya huwag mong ipagtaka kung bakit kinakapos kayo.

Dr. Love

DIYOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with