^

Dr. Love

Binu-bully ng pinsan ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ako makatutol nang ipinasya ng mister ko na tumira kami sa dati nilang bahay kasama ng kanyang ina.

Doon din pumisan ang kapatid niyang lalaki na may asawa.

Ngunit pakiramdam ko ay paborito ng biyenan ko ang aking hipag at ako ang kinaiinisan.

Pareho kaming  may anak na lalaki na halos magka-edad pero tuwing sinasaktan ang anak ko ng kanyang pinsan, kung sino pa ang nanakit ang kinakampihan ng aking biyenang babae.

Ni hindi man pinangangaralan ng aking sister in law ang kanyang anak.

Sinabi ko na sa mister ko na bumukod kami dahil sa mga nangyayaring ito pero ayaw niya.

Ano ang gagawin ko?

Lorry

Dear Lorry,

Tama lang na humiwalay kayo dahil baka mapahamak pa ang anak ninyo kung hindi n’yo gagawin iyan.

Dapat ma-realize ng asawa mo ang posibilidad na iyan imbes na magmatigas na manatili kayo sa bahay ng biyenan mo.

Mahirap ‘yung kapag huli na ang lahat ay dun palang magpapasyang bumukod.

Kausapin mong mabuti ang asawa mo at kumbinsihin.

Dr. Love

 

BULLY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with