Mag-asawang frontliner
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lamang akong Rambo. Isa akong sundalo. Nakapangasawa ako ng isang nurse. Pareho kaming frontliners. Ang akala ko, sandali lang ang pandemic na ito.
Taong 2018 kami ikinasal. Sobrang hectic ng aming schedule, kaya minsan lang kami nagkikita. Minsan nasa misyon area ako. Kung saan-saan ako naa-assign.
Wala pa kaming anak. Hindi ako makabuo. Bitin nga sa romansa.
Dala ng tawag ng aming propesyon, pinili pa rin namin ang magpakasal kahit alam naming hindi kami laging magkasama.
Mabuti at may internet dahil nakakapag-usap kami. Mayroon siyang kaibigan na sinabi na hindi kami magtatagal dahil magkaiba ang pananaw at pareho kaming may gustong mangyari sa aming buhay.
Tatlong taon na kami at sa awa ng Diyos, patuloy pa rin kaming nagmamahalan.
Very challenging ang aming trabaho. Pareho kaming nagliligtas ng buhay, kaya lalo akong nagsusumikap na magampanan ko ang aking tungkulin bilang sundalo at bilang asawa. Hindi naman lahat ng sundalo ay babaero. ‘Yan ang gusto kong ipamulat sa asawa ko, na kahit pwede kong gawin ay hindi ko ginagawa dahil mahal ko ang aking asawa.
Pasalamat ako dahil kapag magkasama kami, damang dama ko ang pagiging nurse niya. Ako pa nga ang sobrang nag-aalala para sa kaligtasan niya.
Naibahagi ko ito para sa mga kasamahan ko at sa mga tulad naming fronliners na hanggang ngayon ay nasa panganib ng pandemic.
Rambo
Dear Rambo,
Hanga ako sa dedikasyon ninyong mag-asawa. Tama ‘yan, dahil ang mga tao nabansagan na ka-yong mga mahilig sa chicks. Salamat sa sharing mo. Ipagpatuloy lang ninyo ang inyong paglilingkod sa ating mga kababayan.
Nawa sa awa ng Maykapal matapos na rin ang pandemic na ito.
Ingat lang lagi kayong dalawa. Talagang delikado ang propesyon ninyo kahit nga walang pandemic.
Sana marami pang tulad ninyo ang magpatunay na hindi hadlang ang pandemic o anumang pagsubok sa mga mag-asawang nagmamahalan.
DR. LOVE
- Latest