^

Dr. Love

Huwag susuko sa panunuyo

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon na kaming nagsasama sa isang bahay ng misis ko na mistulang hindi magkakilala.

Nagsimula ito nang nabisto niya na karelasyon ko ang isang kasama kong empleyada sa trabaho.

Mataas dati ang tingin ng misis ko sa akin dahil hindi ko siya pinagtataksilan. Ipinagmamalaki pa niya ako sa kanyang mga friends.

Pero nahulog ako sa tukso. Maganda kasi at sexy ang kasamahan ko sa trabaho at nahalata kong may gusto siya sa akin.

Humingi na ako ng tawad sa asawa ko at tinapos ko na ang relasyon ko sa kaopisina ko. Pinatawad niya ako pero hanggang ngayon ay ayaw akong kausapin.

Magkahiwalay pa kami ng silid, bagay na ipinagtataka ng aming pitong taong gulang na anak.

Ano gagawin ko?

Roman

Dear Roman,

Mataas kasi ang respeto ng misis mo sa iyo dahil dati kang faithful sa kanya. Kaya nang matukso ka, hindi niya ito agad matanggap.

Huwag kang susuko sa panunuyo sa kanya. Ipaliwanag mo na hindi ito makabubuti sa lumaki ninyong anak.

Ligawan mo siya uli at bigyan ng assu-rance na hindi ka na magtataksil muli.  Ilan sa magagawa mo marahil ay ang pagsilbihan siya, gaya ng paghahanda ng pagkain para sa kanya o paggawa sa iba pang gawaing bahay. Pwede rin pasalubungan mo siya ng paborito niyang pagkain. Masyadong matagal ang dalawang taon na wala kayong kibuan, kaya mag-double time sa panunuyo sa kanya.

Himukin mo siya na magkasundo na kayo.

Dr. Love

MISIS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with