^

Dr. Love

Saan nagkamali?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Minsan hindi ko alam kong magtitiwala pa ba ko o hahayaan ko na lang dahil mahal ko ang isang tao. Tawagin n’yo na lang akong Shella from Legaspi.

Actually hindi lang isang beses ako nagmahal. Ang una kong napangasawa ay mabait at walang bisyo. Akala ko maayos ang lahat pero may bisyo pala siya na hindi ko inalam, ang mambabae.

Kung hindi ko pa sila nahuli sa akto ay hindi ko pa malalaman. Tulad ng mga teleserye at mga kaso kay Sir Tulfo, ganon na ganon ang nangyari sa akin.

Akala ko pumasok sa trabaho ang mister ko, ang hindi ko alam nasa paligid lang pala siya ng aming lugar. Hindi man lang lumayo layo para hindi ko matyempuhan.

Huli ko silang sweet na kumakain sa loob ng shopping mall. Ayus! Hindi sila nakakibo at wala silang magawa kundi ang umamin.

Hanggang sa naghiwalay nga kami, hindi ko na siya pina-Tulfo at kinasuhan. Ako na ang kusang lumayo.

Mahirap ang single parent, nasa akin ang dalawa naming anak. May nanligaw muli sa akin at para naman mapalaya ko ang aking sarili sa nakaraan, pumatol na rin ako.

Umaasa ako at buo ang aking desisyon para na rin sa aking mga anak. Nahumaling ako sa bagong karelasyon dahil sa suportang ibinibigay sa akin.

Ngunit mali pa rin pala ako sa aking naging akala. May asawa pala siya sa probinsiya. Ako naman ang pinuntahan ng babae at hinarap, bakit daw ako pumapatol sa may asawa? Hindi ko talaga alam ang gagawin. Gusto ko lang ng simpleng buhay sa isang lalaki na magmamahal sa akin ng tunay. Tinatanong ko nga ang aking sarili, kung saan ba ko nagkamali?

Shella

Dear Shella,

Isang kang biktima ng mga lalaking walang pakundangan sa mga babae. Pwede kang lumapit sa wo-men’s desk ng ating pamahalaan para matigil na ang mga kalokohang sinapit mo.

Kung may lalapit muli sa iyo, aba’y pag-isipan mo muna ng mabuti at kilalanin mo muna kung karapatdapat siya para sa iyo. Kung ako lang, mas mabuti na huwag ka nang mag-entertain ng bagong manliligaw. Para hindi mo masabing kumuha ka na naman ng batong ipupukpok sa ulo mo.

Ingat lang lagi. Pwede mo pang ipag-laban ang nangyari sa iyo para mabigyan sila ng  aral sa mga nagawa nilang mali.

DR. LOVE

TAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with