^

Dr. Love

Friend sa social media

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi lahat ng mga kaibigang nakilala sa social media ay peke at mga manloloko. Personal ko itong napatunayan nang makilala ko sa Facebook si Ishmael, isang Muslim mula sa Marawi na nag-aaral dito sa Maynila. Isa siyang engineering student na nakatakda na sanang magtapos next year kung hindi dahil sa pandemic.

Friend ko na siya simula pa noong November last year. Isang taon na kami ngayon at may dalawang ulit na kaming nagkita ng personal bago magkaroon ng lockdown noon Marso. Feeling ko, kilalang kilala ko na siya at to my own analysis, he is a true friend at hindi manloloko.

Sa pagluwag ng quarantine protocols, medyo napapadalas ang aming meeting sa Jollibee dahil pareho naman kaming hindi mayaman at kapwa estudyante pa. Nagsisimula na siyang magpakita ng interesado niyang manligaw sa akin.

Kaso, winawarningan ako ng mga friends ko na ingat lang ako dahil sa social media ko lang nakilala si Ishmael. Pero hindi ako naniniwala sa aking mga friends dahil napatunayan kong maginoo, mabait at tunay si Ishmael.

Dapat ko bang pa-kinggan ang kanilang mga babala?

Carmina

Dear Carmina,

Kahit isang taon na kayong magkakilala ni Ishmael, ang malaking bahagi ng inyong relasyon bilang magkaibigan ay halos sa social media lang. Ilang beses mo pa lang naman siyang nakakausap ng personal kung tutuusin.

Kilalanin mo muna siyang mabuti para malaman kung ano ang tunay niyang pagkatao. Tama naman ang apprehension ng mga kaibigan mo. Sa Facebook lang kayo nagtagpo at hindi sapat ito para mabatid mo ang tunay niyang pagkatao.

Mahirap na, baka kinukuha lang niya ang iyong pagtitiwala kaya siya nagpapakita ng kabutihan? Manatili muna kayong magkaibigan at gamitin mo ang wisdom na ibibigay ng Diyos sa iyo.

Dr. Love

CARMINA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with