^

Dr. Love

Tutol ang ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please call me Nancy, 26-anyos at dalaga pa. Umabot ako sa edad na ito na walang asawa dahil laging tutol ang aking tatay sa mga nagiging boyfriend ko.

Wala namang problema sa nanay ko dahil sabi niya kung saan ako liligaya ay boto siya. Pero ang tatay ko ay laging may pintas sa mga boyfriend ko.

Ngayon ay may bago akong boyfriend na talagang mahal ko. Sa labas lang kami nagkikita dahil ayaw kong ipakilala siya sa aking tatay at baka kung anu-ano na namang pintas ang sasabihin.

May nangyari na sa amin ng aking boyfriend at isang buwan na akong buntis. Naisip ko kasi na baka kung magdadalantao ako ay hindi na siya tututol. Ngayo’y balak na naming magpakasal ng boyfriend ko.

Pero ang problema ko ay kung paano ko ito sasabihin sa tatay ko. Tulungan mo ako, Dr. Love.

Love

Dear Nancy,

Hindi ako pabor sa ginawa mong nagpabuntis ka. Pero nandiyan na iyan at wala na akong maipapayo pa kundi harapin ang responsibilidad.

Lampas-lampas ka na sa tamang edad at kahit tumutol ang ama mo ay hindi ka puwedeng pigilan. Tutal naririyan ang nanay mo para suportahan ka.

Bilang respeto sa iyong ama, sabihin mo ang totoo pati na ang balak mong pagpapakasal. Dahil nasa tamang edad ka na at wala na siyang karapatang tumanggi.

Dr. Love

ANG

BILANG

DAHIL

DEAR NANCY

DR. LOVE

NAISIP

NGAYO

NGAYON

PERO

STRONG

TULUNGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with