^

Dr. Love

May trauma pa

The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Betty. Lumiham po ako para humingi ng payo sa malaganap ninyong column kung paano ko mapaglalabanan ang malaking takot ko na umibig muli matapos makaranas ng matinding pang-aabusong berbal at pisikal sa una kong asawa.

Nung mag-boyfriend pa lang kami ni Dino, napaka­bait niya sa akin. Pero nagbago siya nang makasal na kami. Sa panahon na ito ko lang po nalaman na dati siyang sugapa sa alcohol at na-rehab na sa US.

Nagmistulang punching bag niya ako kapag lulon siya sa alak. Tumindi pa ang sitwasyon naming ito nang makalipas ang limang taon ay hindi kami nagkakaanak.

Kumunsulta na ako sa OB-Gynecologist ko ay tiniyak niyang wala akong diperensiya. Pero ayaw itong paniwalaan ni Dino. Sa halip ay kung anu-anong masasakit na salita ang sinasabi niya sa akin, gaya nang wala raw akong silbi, driftwood at kung anu-ano pa.

Kapag hindi ko na matiis ang mga ginagawa niya, sinasagot ko siya na nagiging dahilan ng lalong pagkagalit niya at pananakit sa akin. Nung huling saktan niya ako, nag-report ako sa barangay. Lumapit rin ako sa DSWD. Idinemanda ko siya kaya kami nagkahiwalay.

Ako ay 25 years old, Si Dino ay 45. Kaya po ako pumili nang mas matanda sa akin sa paniniwalang mas responsable ang gaya nito. Pero nagkamali ako. Ang huling balita ko ay inuwi ng kanyang ina si Dino sa Amerika para ipa-rehab uli.

Ngayon po, Dr. Love in love ako. Nakakasiguro akong mahal ako ng lalaking ito na nag-aalok na ng kasal. Pero may trauma pa rin ako kahit pa nagpadoktor na ako. Hindi ko po maintindihan, sa tuwing magsisiping kami ay nanginginig ang buo kong katawan sa takot.

Ano po kayang mabuting gawin ko?

Gumagalang,

Betty

Dear Betty,

Hindi malinaw kung kasal ka na sa bago mong pag-ibig o hindi. Pero kung tunay ang pagmamahal niya sa’yo, hindi niya babalewalain ang sitwasyon mo. Magtapat ka sa kanya para matulungan ka niyang burahin ang trauma sa isip mo. Dahil para sa akin, gaano man kalalim ang sugat, walang hindi kayang gamutin kung tunay ang pag-ibig.

DR. LOVE 

vuukle comment

AKO

ANG

DEAR BETTY

DINO

DR. LOVE

HINDI

NIYA

NUNG

PERO

SI DINO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with