^

Dr. Love

Pita ng laman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakakahiya ang problema ko kaya itago mo na lang ako sa alyas na Mr. Dream.

May asawa na ako at dalawang anak, at ang problema ko ay ang pita ng aking laman na hindi ko maiwasan. Lalo na kapag nakakakita ako ng magagandang babae, may nag-uudyok sa akin na magpantasya sa babaeng yaon.

Kapag nakikipagtalik ako sa misis ko ay ang babaeng kursunada ko ang laman ng aking isip. Abnormal ba ito o kasalanan? Paano ko maiwawaglit sa aking sarili ang damdamin kong ganito?

Mr. Dream

Dear Mr. Dream,

Hindi ka nagkakasala sa batas ng tao kundi nagkakasala ka sa sarili mo at unfair sa iyong asawa na habang katalik mo siya ay ibang babae ang laman ng iyong isip. Katumbas na rin iyan ng pagtataksil.

Kung nagbabasa ka ng Biblia, may ganitong sinasabi sa Galatians 5:16 :  Walk in the Spirit that you may not satisfy the lust of the flesh. Manalangin ka lagi at magbulay sa Salita ng Diyos para maiwaksi sa iyong isip ang mga bagay na makamundo. Kung hi­hingi ka ng patnubay ng Diyos at taimtim ang iyong panalangin, papatnubayan ka Niya.

Dr. Love

BIBLIA

DIYOS

DR. LOVE

KAPAG

KATUMBAS

MANALANGIN

NAKAKAHIYA

NIYA

PAANO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->