^

Punto Mo

Pulitika ang salot sa ekonomiya

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

DALAWA sa pinakamagagaling na mayor ngayon sa Metro Manila na hinahangaan at umani na nang maraming parangal ay sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Pasig City Mayor Vico Sotto. Puwedeng maging “dream tandem” ang dalawa sa hinaharap.

Si Joy ay bunsong anak ni dating QC Mayor at Speaker of the House of Representatives Sonny Belmonte samantalang si Vico ay pamangkin ni dating Senate President Tito Sotto. Parehong walang bahid ng korapsyon ang dalawa. Dumami pa sana ang lahi n’yo!

Nakapanlulumo na kasing isipin ngayon kung saan pa tayo huhugot ng mga taong mamumuno sa bansa natin na walang bahid ng pagsasamantala. Karamihan ng mga pulitikong nag-aambisyong maging Presidente ay may tatak ng pagkadelingkuwente dahil nakabahagi na rin ang mga ito sa luho ng kanilang partido.

Nakaririndi na ang mga pasabog na propaganda ng mga magkakalabang kampo ng pulitika gamit ang social media upang ibandera ang kabulukan ng posibleng makakalaban nila. Walang itulak-kabigin sa kanila kung ang pagiging bulok ang pamantayan. Pwe!

Hilo na ang mamamayan sa namamagitang away ng magpartner na Bongbong at Sara. Pinasiklab pa ito ni dating Presidente Digong sa pagsasabing “weak at bangag” daw si Bongbong. Ginantihan naman ng mga kaalyado ni Bongbong na “butangera at korap” daw si Sara. Anobayaannn!

Haharap si Sara sa impeachment proceedings sa Senado. Samantala, dahil sa palpak na accomplishments ng Gabinete ni Bongbong na nagpababa ng trust rating nito, hinihiling naman ng fanatics ni Sara na mag-resign na ito o maharap din sa impeachment. Parang Jack en Poy lang, ha-ha-ha!

Patunay na malaking failures ang naihatid sa bansa ng UniTeam nina Bongbong at Sara dahil binawasan nila ng pagkakataon na maging masaya sa tandem nila ang mamamayan. Puwede na raw itong bansagang “OmitTeam”. Nagdilim nga naman!

Malalagay sa hindi magandang sitwasyon ang buong bansa kapag hindi naremedyuhan ang lumalalang hidwaan nina Bongbong at Sara. Babagsak ang ekonomiya at maaring magbunga ng mas malalang kaguluhan na pagdurusahan nating lahat.

ECONOMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with