From cool off to letting go
Dear Dr. Love,
Nang sagutin ko si Rolly sa kanyang panliligaw sa akin, sinabi ko noon sa sarili na siya na ang lalaking para sa akin at ano man ang mangyari ay wala na akong mamahalin na ibang lalaki.
Isang taon ang itinagal ng ligawan, Dr. Love dahil hindi ko siya sinagot hanggang sa masigurado ko na siya na nga at wala nang iba na makapagpapaligaya sa akin. Pero bakit po kaya, pagkalipas ng dalawang taon ay parang nagkakasawaan na kami?
Nalaman ko na madalas kasama ni Rolly ang bagong hire na personnel manager sa aming opisina. Pero kinapa ko ang sarili ko kung nagseselos ako o nagagalit man lang sa kanya. Ang tunay po na naramdaman ko ay naligayahan ako para sa kanya.
Nakipag-cool off po ako para makapag-isip-isip kami pareho. Inaasahan ko na po ang pagpayag niya at nang sandaling narinig ko ang pag-ayon niya, kakaibang kaluwagan sa kalooban ang naramdaman ko.
Wala naman akong nakilala na ibang lalaki na makapagpapabago sa feelings ko para sa aking boyfriend, pero natutuwa po ako para sa kaligayahan ni Rolly kaya nagdesisyon na akong tuluyan na siyang palayain sa aming relasyon.
Bakit po kaya umasim ang dati ay matamis naming relasyon? Long engagement kaya ang dahilan kaya nanlamig kami sa isa’t isa? Tama po ba ang ginawa ko, Dr. Love?
Maraming salamat po at God bless.
Gumagalang,
Shirley
Dear Shirley,
Maraming posibleng dahilan ng panlalamig sa isa’t isa ng magkarelasyon. Karaniwan ay ang matutuklasang mga pagkakaiba o ang ma aaring pagkakaroon ng bagong kakilala na bagong source ng excitement para sa iyong partner.
On the other hand, masyado ka na ring loose sa iyong feelings para sa kanya. Dahil it comes naturally na willing mo na siyang pakawalan nang malaman mo ang tungkol sa third party.
Para sa akin, tama ang ginawa mo. Dahil wala na sa pagsasama ninyo ang matibay na dahilan para ma-stock kayo sa commitment na wala nang value. Just keep enjoying life at malay mo…malapit mo na rin makilala ang bagong excitement na magpapakulay sa love life mo.
Dr. Love
- Latest