^

Dr. Love

Nabuntis sa abroad

- The Philippine Star

Dearest Dr. Love,

Hi. Isa ako sa masugid mong readers at sumulat ako sa iyo para humingi ng mahalaga mong advice.

Tawagin mo akong Rica, isang OFW dito sa Riyadh. May malaki akong problema. Nagda­dalang-tao ako na ang ama ay isa ring Pilipinong nagtatrabaho rito. Sa ngayo’y hindi pa halata.

Ang sabi ng boyfriend ko ay umuwi muna ako sa Pilipinas dahil labag sa batas dito ang magbuntis lalo na sa mga babaeng wala namang asawa.

Mga British ang amo ko kaya nagtapat ako sa kanila. Pinapayagan naman nila akong umuwi.

Pero natatakot ako sa maaaring mangyari dahil magagalit ang aking mga magulang at buong pamilya. Pagpayuhan mo sana ako.

Rica

Dear Rica,

Ano ang gusto mo, makulong diyan sa ibang bansa o makauwi kahit magalit ang mga magulang mo?

Naririyan na iyan. Umuwi ka at harapin ang lahat ng consequence ng iyong pagkakamali.

At ‘yung boyfriend mo, binata ba iyan o may-asawa? Kung binata, sana’y handa niyang panagutan ang dala-dala mo. Kung may asawa na siya, pasensya ka. Magiging single parent ka pero sino ba ang taong hindi nagkakamali.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR RICA

DR. LOVE

ISA

MAGIGING

MGA BRITISH

NAGDA

NARIRIYAN

RICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with