Laging nag-aaway ang magulang
Dear Dr. Love,
Ako po si Jenny, 19 taong gulang. Humihingi po ako ng payo dahil sa halos araw-araw na situwasyon sa aming pamilya.
Wala nang kapayapaan sa aming bahay dahil lagi nang nag-aaway ang aking mga magulang tungkol sa pera.
Simula nang mawalan ng trabaho ang aking ama, ang aking ina na lang ang naghahanapbuhay. Alam ko po na hindi madali ang ginagawa ng aking ina dahil maaga palang ay umaalis na siya ng bahay para bumiyahe papunta sa kanyang trabaho at gabi na ang uwi niya.
Marahil dahil sa matinding pagod na rin at hirap na kalagayan ng buhay namin ay mada-ling nag-iinit ang ulo ng aking mga magulang, kung kaya madalas silang magtalo at minsan ay nadadamay kaming magkakapatid.
Sobrang nalulungkot po ako dahil dati naman ay masaya ang aming pamilya. Hindi naman marangya ang aming buhay nung may trabaho pa aming ama. Pero hindi sobrang gipit na gaya nang nangyayari sa amin ngayon.
Pakiramdam ko ay lumalaki ang agwat sa pagitan ng aking mga magulng, bagay na nakakadagdag sa aking pangamba, natatakot po ako na baka mauwi sa tuluyan paghihiwalay nila ang madalas na away.
Bilang anak, ito po ay isang bangungot para sa akin. Bawat araw ay hinahangad kong makatulong pero hindi ko po alam kung paano.
Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang maaari kong gawin?
Jenny
Dear Jenny,
Normal lang na mag-alala ka sa sitwasyon ng iyong pamilya. Pero tandaan mo na hindi mo responsibilidad na lutasin ang lahat ng problema ng iyong mga magulang. Sa totoo lang, anumang problema sa pagitan ng mag-asawa ay tanging sila lang din na dalawa ang maka-lulutas.
Ang magagawa mo ay manatiling mabuting anak. Sikapin mo na maging maunawain sa hindi pagkakasundo ng iyong mga magulang. Kung mag-open ang iyong ama o iyong ina, makinig ka lang at manatiling mapagmahal sa kanila. Wala kang dapat kampihan.
Kung may pagkakataon, subukan mo rin silang kausapin nang mahinahon at iparating kung paano naaapektuhan ng kanilang mga pagta-
talo kayong magkakapatid.
Minsan, hindi namamalayan ng mga magulang ang epekto ng kanilang mga pro-blema sa pamilya.
Maaari ka ring tumulong sa bahay at magbigay ng positibong suporta para mabawasan ang kanilang stress. Higit sa lahat, panatilihin ang respeto sa parehong magulang, gawin ninyo iyan ng iyong mga kapatid.
Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, pagtutulu-
ngan, at pag-unawa, samahan mo ng taimtim na dasal, naniniwala akong malampasan ng inyong pa-milya ang pagsubok na ito.
Dr. Love
- Latest















