^

Dr. Love

Gustong manligaw Pero hindi magawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang bingot kaya tawag nila sa akin ay ngongo. Hindi ko pa naranasang magkasyota dahil sa aking itsura. Hindi ko kasi mahagilap ang kumpiyansa sa aking sarili para magkaroon ng initiative na sabihin ang feelings ko sa natitipuhan kong babae.

Kaya kahit may nagugustuhan ako, hindi ako makadiskarte. Hindi naman grabe ang pagkabingot ng labi ko, pero talagang hindi ok tingnan dahil ‘yung tipo na hindi magugustuhan ng kahit sinong babae.

Isa akong matadero sa palengke. Kaya ang malaking oras ko sa araw-araw ay nakatuon sa mga karne, hanggang sa makilala ko ang isang tindera, at sa totoo lang sa palagay ko ay in love na ako sa kanya.

Pero in reality, ligaw-tingin lang ako. Alam ko na wala siyang boyfriend pero may mga manliligaw siya.

Gusto rin sanang manligaw, kaya lang nauunahan ako ng hiya at panghihina ng loob dahil sa itsura ko.

Rani

 

Dear Rani,

May karapatan kang manligaw dahil binata ka naman. Huwag mong gawing balakid ang iyong pisikal na itsura.

Sa tingin ko’y mayroon kang inferiority complex dahil sa kapansanan mo. Paglabanan mo at makakakita ka ng babaeng mamahalin at magmamahal din sa iyo.

Tandaan mo hindi naman lahat ng babae ay nakabase sa katangiang pisikal, dahil sa maraming pangyayari ng pagtataksil, lalo na ng mga lalaki na sinasabing gwapings, nagi-
ging option na ng mga kababahin ang lalaki na may mabuting puso at responsable.

Kaya, go! Ligawan mo na ang tinderang type mo.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with