^

Dr. Love

Takot hiwalayan

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Malugod akong bumabati sa iyo at sa dagsa-dagsa mong tagasubaybay.

Marinela na lang ang itawag mo sa akin, 27 anyos at may ka-live-in.

Mahal na mahal ko si Rodil at sa loob ng limang taon naming pagsasama ay hindi ako naging taksil sa kanya.

Pero napakasakit malaman na ang mga sakripisyo ko sa kanya ay sinuklian niya ng kataksilan.

Nalaman kong mayroon siyang babae at may anak siya roon. Dalawang taon na pala ang relasyon nila. Kaya pala kung minsan, isang linggo siyang hindi umuuwi.

Ayaw kong isumbat ito sa kanya. Kunwa’y wala akong alam. Takot kasi ako na baka tuluyan­ na niya akong iwanan.

May partida ang kinakasama niya ngayon dahil may anak sila at ako ay wala.

Ano ang gagawin ko? Hirap na hirap na ako.

Marinela

Dear Marinela,

Paano mo malalaman ang totoo kung hindi ka magtatanong sa kanya?

Kung ipagwawalang-bahala mo ang mga nangyayari, hindi naman mawawala ang problema kundi lalo lamang magpapalubha.

At bakit nagtitiyaga kang makipag-live-in. Kasa­lanan ang pagsasamang walang bendis­yon ng Diyos.

Malay mo, baka ang nangyayari ngayon ay paraan ng Diyos para ilayo ka sa isang bawal na relasyon?

Dr. Love

ANO

AYAW

DALAWANG

DEAR MARINELA

DIYOS

DR. LOVE

HIRAP

KAYA

KUNWA

MARINELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with