^

Dr. Love

Si Noli o si Jack?

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Madalas akong makabasa ng lalaking nai-involve sa dalawang nobya. Hindi ko po akalain na sasapitin ko rin ang ganitong sitwasyon. Dalawang lalaki po ang nasa buhay ko ngayon at nahihirapan ako kung sino sa kanila ang pipiliin ko.

Hindi naman sabay dumating ang mga la­laking mahal ko sa aking buhay. Nang sagutin ko si Noli, alam kong nakahanda na akong pa­kasalan siya. Pero nagkaproblema kami at nagpasyang maghiwalay. Nagtrabaho siya sa ibang bansa.

Sa panahon ito na sinusubukan ko na maka­pag-move on, nakilala ko si Jack. Guwapo rin siya at matalino gaya ni Noli. Type ko siya kaya nang ligawan niya ako, tinanggap ko.

Isang taon pa lang kaming-mag-on ni Jack nang umuwi si Noli at bumabalik siya sa akin. Mahal ko pa rin siya, kaya hindi maiwasang makipagkita sa kanya. Pareho na silang nagyayang pakasal, ano po ang gagawin ko. Nahihirapan akong mamili dahil pareho silang matimbang sa akin.   Naguguluhan po ako, pagpayuhan po ninyo ako.   

Thank you very much for reading this letter.

 Gumagalang,

Ramona

 

Dear Ramona,

Talagang hindi madali ang mamangka sa dalawang ilog. Dahil walang katapusan ang pagtatakip na gagawin mo d’yan. Subukan mo tingnan kung sino ang may katangian na ideyal para maging life time partner. Hindi ito base sa pisikal na anyo, kundi ang lalaking magmamahal sa iyo ng tapat kahit pa kumupas na ang atraksiyong pisikal.

Makakatulong kung makikilala mo ng husto ang bawat isa sa kanila, bukod sa pagkatao ay ang pamilyang pinanggalingan nila. Ipagdasal mo ang tungkol sa iyong pagpapasya para may gabay ka bago ka makapagdesisyon.

Dr. Love

vuukle comment

DAHIL

DALAWANG

DEAR RAMONA

DR. LOVE

GUMAGALANG

GUWAPO

IPAGDASAL

ISANG

NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with