^

Dr. Love

Sino ang pipiliin ko?

- The Philippine Star

Dearest Dr. Love,

Kumusta po kayo at sana’y in good health kayong abutan ng sulat ko.

Gaya nang ibang sumusulat sa iyo, mayroon din akong problema sa pag-ibig. Tawagin mo na lang akong Cory, 19 anyos at getting 20 na sa December.

Marami po akong manliligaw pero wala pa akong sinasagot. Lima silang lahat pero may nagugustuhan akong dalawa.

Siyempre alam ko namang hindi puwedeng dalawa ang kasintahan kaya naguguluhan ang utak ko.

‘Yung isa ay guwapo at mabait din. ‘Yung ikalawa’y hindi masyadong guwapo pero mas mabait at maalalahanin.

Paano ko malalaman kung sino ang pipiliin ko sa kanila?

Cory

Dear Cory,

Tama ang sinabi mo na dapat isa lang ang pipiliin mong maging kasintahan.

Huwag kang mag-apura. Kilalanin mo silang mabuti dahil hindi mo makikilatis ang ugali ng tao sa isang iglap.

Ang sino mang manliligaw ay pawang mabu­buting katangian lang ang ipakikita. At lalong hindi sukatan ang pagiging guwapo para sagu­tin mo ng oo ang lalaki. Mas mahalaga ang ugali.

At sa dakong huli, ikaw lang ang puwedeng magpasya kung sino ang pipiliin mo. Kaya ang payo ko, maging matalino ka sa pagkilatis. Iyan ay isang bagay na hindi ko puwedeng gawin para sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR CORY

DR. LOVE

GAYA

HUWAG

IYAN

KAYA

KILALANIN

KUMUSTA

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with