^

Dr. Love

Gay ba siya?

-

Dear Dr. Love,

Thank you sa pagpapaunlak. Ako po si Mrs. M. May kaisa-isa akong anak na lalaki bilang single parent. Siya’y 10-years old pa lamang pero nababahala ako sa mga ikinikilos niya.

Malantik ang galaw ng kamay at umiinda­yog ang katawan sa paglalakad. Napansin ko rin na masipag siya sa bahay pero ang ginagawa ay puro gawaing babae.

Wala rin siyang hilig sa mga laruang panlalaki kundi ang pinaglalaruan niya ay mga Barbie Dolls.

Ayokong lumaking gay ang anak ko. Ano ang gagawin ko?

Mrs. M.

 

Dear Mrs. M.,

Hinala ko, nagkaganyan ang anak mo dahil wala siyang makitang father image sa pamilya ninyo. Ikaw lang ang tinitingala niyang magulang.

Palakihin mo siya sa aral ng Diyos. Mag-bible study kayo sa bahay at sa mura niyang gulang ay itanim mo sa kanyang puso ang katuruan ng Diyos.

Sa Proverbs 22:6 sinasabi na habang bata pa ay ituro mo ang tamang daang dapat tahakin ng bata at hindi ito mawawala sa isip niya hanggang sa pagtanda niya.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

AYOKONG

BARBIE DOLLS

DIYOS

DR. LOVE

HINALA

IKAW

MALANTIK

MRS. M

SA PROVERBS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with