^

Dr. Love

Minumulto ng asawa

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Tricia, isang biyuda sa maagang edad na 23. Maaga akong nag-asawa. Nasa 18 years old pa lang ako pero namatay ang asawa ko after five years dahil sa isang car accident. May anak kaming 3-years old.

Isa akong call center agent at ang anak ko ay naiiwan sa biyenan ‘kong babae kapag pumapasok ako. Sa araw naman ay naaasikaso ko siya.

Dalawang taon nang patay ang asawa ko at mayroon akong manliligaw na nagugustuhan ko. Pero may kakatwang nangyayari sa akin. Una, nagpakita sa akin sa panaginip ang mister ko at sinabing hindi siya matatahimik kung mag-aasawa akong muli.

Ilang beses nangyari ‘yon. Pero minsan nang naghahanda ako para pumasok sa trabaho, biglang gumalaw-galaw ang pintuan ng cabinet sa kuwarto ko at may narinig akong lumagabog sa banyo. Nangilabot ako at maya-maya, may nakita akong anino sa gilid ng aking mata.

Naniniwala ka ba sa multo? Dapat ko bang sundin ang gusto ng yumao ‘kong asawa?

Tricia

Dear Tricia,

Bilang Kristiyano, hindi ako naniniwalang makababalik ang isang patay para magparamdam sa ano mang paraan. Ang ano mang naramdaman at napanaginipan mo ay isang decepcion ng devil.

By all means, puwede ka mag-asawa dahil malaya ka na. Sa batas ng tao at ng Diyos, walang labag diyan.

Dr. Love

vuukle comment

AKONG

BILANG KRISTIYANO

DALAWANG

DAPAT

DEAR TRICIA

DIYOS

DR. LOVE

ILANG

PERO

TRICIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with