^

Dr. Love

Dalagang ina

-

Dear Dr. Love,

Isang masayang pagbati. Kabilang ako sa maraming sumusubaybay ng iyong column at tulad ng iba, gusto kong hingin ang iyong payo tungkol sa problema ko.

Tawagin mo na lang akong Margot, dala­gang­ ina. Sa edad na 17 ay biktima ako ng rape at nagbunga ang masamang ginawa sa akin ng lalaking hindi ko nakilala.

Ngayon ay 22 anyos na ako at ang 4 na taong­ anak kong babae ay ipinakikilala ko bilang pamangkin.

May manliligaw ako. Sa dinami-dami ng nanliligaw sa akin ay siya ang napupusuan ko. Pero natatakot ako kung malalaman niya ang totoo na isa akong dalagang ina. Dapat ba akong magtapat sa kanya?

Margot

Dear Margot,

In fairness sa manliligaw mo, karapatan niyang malaman ang totoo. Kung mahal ka niya, hindi niya titingnan ang madilim mong kahapon lalo pa’t hindi mo kagustuhan ang nangyari.

Masusubukan mo rin ang katapatan ng manliligaw mo kung magiging tapat ka sa kanya. Ang tunay na umiibig ay hindi tumatanaw sa nagdaan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAPAT

DEAR MARGOT

DR. LOVE

ISANG

KABILANG

MARGOT

MASUSUBUKAN

PERO

TAWAGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with