^

Dr. Love

Kung kailan tumanda

-

My Dear Dr. Love,

Salamat sa’yo dahil gumagaan ang loob ng mga taong may problema sa pag-ibig na pinapayuhan mo. Una sa lahat, isang mainit na pagbati ang ipinaabot ko sa aking favorite love advicer.

Tawagin mo na lang akong Minyong, 49 anyos­ at may asawa.

Sa buong buhay ko, naging tapat ako sa aking­ misis. Hindi ko akalaing darating ang panahon na iibig ako sa iba.

Nagsimula ito nang dumating ang isa ‘kong kaibigan mula sa abroad at niyaya akong mag-good time.

Nakakilala ako ng isang g.r.o., tawagin mo na lang siyang Aida, 30 anyos at isang single mother.

Pangalawang dahilan lang ang kagandahan niya kung bakit naakit ako. Mabait siya at nag-iisang nagpapalaki at nagtataguyod sa kanyang 10-taong gulang na anak.

Nagkaroon kami ng relasyon ni Aida lingid sa kaalaman ng misis ko. Mahal ko ang misis ko pero paano akong huhulagpos kay Aida na mahal ko rin?

Minyong ng Parañaque

Dear Minyong,

Kung kailan ka pa tumanda ay dun ka pa magiging taksil sa asawang kinasama mo ng maraming taon?

Sabi mo mahal mo ang misis mo, puwes, iwanan mo ang kinalolokohan mo ngayon. Naniniwala akong pagkahumaling lang iyan. Hindi mo nasabi kung may anak ka sa misis mo pero mayroon man o wala, hindi maganda ang pagtataksil.

Huwag gawing dahilan na may edad na ang misis mo dahil wala kang kuwentang lalaki kung magkagayon.

Dr. Love

vuukle comment

AIDA

DEAR MINYONG

DR. LOVE

HUWAG

MABAIT

MINYONG

MISIS

NAGKAROON

NAGSIMULA

NAKAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with