^

Dr. Love

May anak sa 'labas' si Mister

-

Dear Dr. Love,

Sa loob ng maraming taong pagsasama namin ng mister ko, ngayon lang ako nagkaroon ng insecurities. Labis akong binubulag ng selos at pangamba na isang araw, magkakahiwalay kami ng asawa ‘kong si Fermin. Ngayon pa namang mga teenager na ang dalawa naming anak na lalaki.

Ang dahilan po, mayroong dalagang na­anakan ang mister ko, isang estudyante na ipinasok niyang bookkeeper sa imprentang pina­ngangasiwaan niya. Dumating ang panahon na nabisto na ang kanilang affair, nag­wala ang dalawa ‘kong anak at kinumpronta ang kanilang ama. Inamin ni Fermin ang pagkakasala.

Nangako ng sustento si Fermin sa magu­lang ng babae. Sa kabila nang pag-amin, si­nabi ni Fermin na tinukso siya ng babae dahil akala ay marami siyang pera. Ang akala ko tapos na ang aming problema. Pero, inatake ang mister ko kaya nahinto ang sustento. Big­lang sumulpot uli si Magda at sa mismong tapat namin ang inupahan niya at nagpa-board and lodging. Dinala ni Magda ang anak niya. Nakita ko sa mukha ni Fermin ang lukso ng dugo nang una niyang makita ang bata, si Nancy. 

Nanggagalaiti ang dalawa ‘kong anak sa ginagawang pananadya ng babaeng ‘yun sa aming pamilya. May bago siyang lalaki na may edad na. Pinagseselos niya ang mister ko. Ipina­mumukha ang pananagutan niya sa bata. Ano po ba ang gagawin ko?

Maraming salamat at more power sa inyo.

Gumagalang,

Vicky ng Maynila

 

Dear Vicky,

Dedma ka lang sa pananadya ng dating babae ng iyong asawa. Sikapin mo rin na ma­liwanagan ang iyong mga anak na huwag paapekto dahil lalo lamang siyang gagawa ng pang-iinis sa inyong mag-iina, lalo na sa iyong mister. Napapanahon na para magtulungan kayo bilang pamilya at para sa kapakanan ng inyong pamilya. Kung tapat ang pagkilala ng iyong asawa sa naging kamalian niya, mananaig ang damdamin para sa inyo.

Hangad ng pitak na ito ang kaayusan at kaligayahan ng inyong pamilya. God bless you.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR VICKY

DEDMA

DINALA

DR. LOVE

DUMATING

FERMIN

GUMAGALANG

MAGDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with