^

Dr. Love

Pitong taong naghintay

-

Dear Dr. Love,

Nabasa ko sa isyu ng Dr. Love noong October­ ­30 ang tungkol kay Bernardo na ang girlfriend ay nagpakasal sa iba. Naka-relate po ako sa kanya.

May boyfriend ako pero sa text lang kami nagkakaugnay sa loob ng pitong taon. Kahit ganoon na hindi kami nagkita, minahal ko siya nang husto. Nasa USA na po siya nang ireto sa akin ng isang kaibigan.

Sa text lang at Fecebook kami nagkakaug­nayan at ramdam kong mahal niya rin ako.

Pero sa mahabang panahon nang paghi­hintay, dumalang ang komunikasyon niya sa akin. Nasaktan ako. Hanggang nang maki­pag-ugnayan siya sa akin ay sinabi niyang nakikipag-break na siya dahil ikakasal na siya sa ibang babae.

Nasaktan ako dahil pinaghintay ako nang ganun katagal. Thirty-seven years old na ako ngayon at gusto ko sanang makilala si Ber­nardo. Sana’y matulungan ninyo ako.

Jem

Dear Jem,

Umaasa akong mababasa ito ni Bernardo dahil hindi siya nag-iwan ng address sa kanyang sulat at hindi ko alam kung paano siya makokontak.

Pambihira ang kasaysayan mo. Nagtagal ng pitong taon ang isang long distance love affair! Nakilala mo sa text, tapos ang ugna­yan niyo ay sa text lang at Facebook. Grabe!

Sana’y nakapag-iwan ito ng aral sa iyo. Mahirap umasa sa isang relasyon na walang katiyakan. Masyado mong ibinuhos ang ma­ra­ming taon ng iyong buhay sa isang kasintahang tulad lang ng isang “multo.”

Dalangin ko na makatagpo ka ng isang kasintahan na mamahalin mo at magmamahal sa iyo ng tunay at higit sa lahat, ‘yung naki­kita mo ng aktuwal at nahihipo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BERNARDO

DALANGIN

DEAR JEM

DR. LOVE

FACEBOOK

NASAKTAN

SANA

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with