^

Dr. Love

Pagtutuwid ni Jowan Zomil

-

Dear Dr. Love,

Nais ko pong iparating sa inyo na sa dalawang pagkakataon, napuna ng ilang kamag-anak ko at kaibigan na may sumulat sa inyo na gamit ang aking pangalan gayung­ sa totoo­ lang po, ni minsan ay hindi ako sumulat sa inyo.

Ang masakit po ay hindi maganda at ma­panirang-puri ang inilahad na kasaysayan na malaking kasinungalingan at kailan ma’y hindi totoo sa aking buhay.

Umaasa po ako na mailalathala ang sulat kong ito upang maituwid ang mga maling naisulat tungkol sa akin na nakakahiya at nakasisira ng dangal.

I expect action from you as soon as possible because these articles have affected my personal life as well as my work as a teacher.

Salamat po sa maagap ninyong pag-aksyon.

Jowan Zomil

Dear Jowan,

Nakapaglathala na kami ng pagtutuwid bilang footnote sa isa naming artikulo kamakailan na ipinadala ko pa sa iyo sa email mula sa aming web site sa Philstar.com.

Gayunman, ako na rin ang nagpasyang ilathala muli ito dahil ngayong nalaman ko na may ibang taong gumamit ng iyong pangala­n at naglahad ng kasaysayang kat­hang isip at ‘di totoo, dapat lang talagang malaman ng mga nakabasa na hindi totoo ang natunghayan nila.

Nananawagan din kami sa taong gumawa noon na sana’y makonsensya at isipin ang kapakanan ng isang taong sinisira nila.

Muli, ang aming paghingi ng paumanhin.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR JOWAN

DR. LOVE

GAYUNMAN

JOWAN ZOMIL

MULI

NAKAPAGLATHALA

NANANAWAGAN

PHILSTAR

SHY

UMAASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with