^

Dr. Love

Confused Girl

-

Dear Dr. Love,

Good day! Isa po ako sa marami ninyong taga­subaybay dahil po sa ibinibigay ninyong ma­gagandang payo. Just call me Ms. Confused Girl. Gusto ko po i-share at the same time humingi­ ng advice sa aking problema.

Almost five years din po kaming nagsama ng aking ex live-in partner at mayroon po kaming isang anak. Noong una po ay okey ang aming pag­sasama hanggang sa mag-abroad siya at dun nagsimula na maging complicated ang aming relasyon. Naging malamig ang pakikitungo niya sa akin hanggang sa tuluyan na siyang makipaghiwalay sa akin. Nalaman ko na lang na may kinakasama na pala siyang iba. Kahit sobrang sakit, pinalaya ko siya Dr. Love. Sinikap kong buhayin na mag-isa ang aming anak at pinutol ko lahat ng ugnayan namin sa isa’t isa. Makalipas ang tatlong 3 buwan ay nagparamdam siya sa akin at sinabi na mahal pa rin daw niya ako at ang aming anak. Nagawa raw niya ‘yun dahil kapit siya sa patalim. Pinatawad ko na siya, Dr. Love pero hindi ako bumalik sa kanya kahit mahal na mahal ko pa rin siya.

Makalipas ang isang buwan, nalaman ko na may iba na naman siyang karelasyon dun pero hindi rin nagtagal. At itong pangatlo niyang girlfriend ay engage na sila at malapit nang ikasal sa taong ito. Sobrang sakit, Dr. Love. Dinadalaw naman po niya ‘yung anak namin at hindi ko po siya maintindihan dahil sa tuwing magkikita kami, hinahalikan niya ako at nagte-text siya sa akin na mag-date kami at inaaya ako na may mangyari sa amin. Pero hindi ako pumayag, Dr. Love dahil iniisip ko na baka ‘yun lang ang habol niya sa akin.

Nararamdaman ko naman sa kanya na mahal pa rin niya ako pero wala siyang magawa kasi ‘yun yung sumusuporta sa kanya at ‘yun ang nagbibigay ng luho niya at dun niya rin kinukuha ‘yung pinangsusuporta niya sa amin ng anak niya. Hindi ko po alam kung dapat pa akong umaasa na magkakabalikan pa kami. Maraming nanliligaw sa akin pero hindi ko po magawang buksan ang puso ko para sa iba dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, sa kabila ng lahat ng nangyari. Ayoko rin po kasing lumaki ‘yung anak ko sa isang broken family. 

Maraming salamat po! Sana marami pa po kayong­ matulungan.

Sincerely,

Ms. Confused Girl

Dear Confused Girl,

Hindi katuwiran na nakikinabang siya sa kanyang other woman kaya hindi niya ito ubrang iwanan. Ipinakikita lang niya na isa siyang taong walang gulugod at hindi makatayo sa sarili.

Kahit matagal kayong nagsama at minahal mo siya, huwag mong panghinayangan na ikakasal siya sa iba. Pilitin mo siyang limutin. Dapat ka rin namang matutong magmahal sa sarili.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR CONFUSED GIRL

DR. LOVE

KAHIT

LSQUO

MAKALIPAS

MS. CONFUSED GIRL

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with