^

Dr. Love

May kakaibang behavior si Mam

-

Dear Dr. Love,

I’m here again. Sumulat ako para magpa­salamat sa mga payo mo. Tawagin mo uli akong Jowan, isang guro dito sa Libacao National Fo­restry Vocational High School. TLE Major.

Lagi akong sumusubaybay sa iyong column at nagkaroon nga ng liwanag ang mga problema kong kinakaharap.

Masaya na ako sa kinalabasan ng ipinayo mo sa akin. Unti-unti na akong nakaka-move on.

Pero nandoon pa rin ang pagnanasa ko na makatikim ng pagmamahal. Parang ang tingin ko sa sarili ko, sex maniac na nga.

I need a psychologist na makakaunawa sa kakaiba kong behavior. May mairerekomenda ka ba sa akin?

Naaawa na tuloy ako sa aking anak at pamilya na nadadamay sa aking maling ginagawa.

Marami pong salamat. Sana marami ka pang matulungan na tulad ko na naligaw ng landas.

Nagmamahal,

Jowan

09165433700

P.S. Kung sino man po ang nais na ako’y matulungan at magkaroon ng kaibigang makakaintindi sa aking problema, I really appreciate it.

Dear Jowan,

Natutuwa ang pitak na ito dahil positibong na­idudulot namin sa mga gaya mong letter sen­der, na siyang pangunahing layunin namin. Natatandaan kita. Ikaw ‘yong may inililihim na love child. Na ang problema ay nilulunod sa alak. Nagkaroon ng trauma dahil sa nangyari sa buhay kaya’t umaayaw sa commitment at ang nais lamang ay one night stand.

Kailangan mo nga ang psychologist pero hindi ko alam kung mayroon kayo diyan sa lugar ninyo na makapagbibigay sa iyo ng payo.

Makakatulong din sa problema mo ang pagtatapat sa iyong father confessor kung mayroon ka o kaya’y sa isang pastor ng simbahan.

Bukod sa pangangalagang medical, psychological, kailangan mo rin ang payong ispiritwal. Na higit na makatutulong sa iyo para mapatatag ang sarili laban sa iba’t ibang uri ng tukso sa iyong paligid.

Hangad ng pitak na ito ang tuluyang pagbabago ng iyong buhay.

DR. LOVE

vuukle comment

BUKOD

DEAR JOWAN

DR. LOVE

HANGAD

IKAW

JOWAN

KAILANGAN

LAGI

LIBACAO NATIONAL FO

VOCATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with