^

Dr. Love

Callboy ang syota ko

-

Dear Dr. Love,

Itago n’yo po ako sa pangalang Jenny, ako po ay 25 years old at kasalukuyang naninirahan dito sa Cebu City.

Nagsimula po ang love life ko nang makilala ko si Joseph sa Facebook last December. Si­mula noon, araw-araw na kami ay nag-e-email at chat sa internet hanggang sa magkita kami.

Nahulog na po kasi ang loob ko sa kanya, sa kabila ng pagtatapat niya sa akin ng tungkol sa pagiging callboy. Hindi raw siya napag-aral ng mabuti ng mga magulang niya kaya nasadlak sa ganoong trabaho. Hanggang ngayon callboy pa rin siya. Pero nangako siya sa akin na mag-iipon na lang ng pang-enroll para sa two years course para maka-apply siya ng mas disenteng trabaho.

Ang problema ko lang Dr. Love, sa tuwing makikipagkita na siya sa customer niya nasasaktan ako. Ang tanong ko po, ok lang ba na kahit mahal niya ako, ginagamit naman siya ng ibang tao? Tulungan n’yo po akong maunawaan ng mabuti ang nangyayari sa buhay ko, Dr Love.

Maraming salamat po and more power!

Jenny

Dear Jenny

True love nga kaya ang nararamdaman mo o physical attraction lang? Iha pakaseguruhin mo dahil malaki ang kaibhan ng tunay na pag-ibig sa pagka-akit lamang dahil sa anyo. Sinabi mong callboy ang boyfriend mo na nakilala mo sa Facebook kaya I presume, isa sa mga qualification ng callboy ay magandang lalaki at maganda ang katawan. ‘Yung tipong hunk.

Hindi ko minamaliit ang nararamdaman mo. I still give it the benefit of the doubt na baka nga true love iyan. Pero let me tell you the danger of having an affair with that man.

Nakilala mo lang siya sa Facebook. Hindi mo ba nababalitaan na maraming mga kababaihan na nakilala ang kanilang mga boyfriend sa mga social networking ay napamahak? At komo sex worker ang katipan mo, hindi malayo ang posibilidad na ma-expose ka sa mga sexually transmitted disease.

Twenty five years old ka na at nasa wastong gulang. Pero ipagpatawad mo na sa tingin ko’y nabubulagan ka ng pagkahumaling sa kasintahan mo. May isip ka, huwag puro puso ang pairalin.

Dr. Love

vuukle comment

CEBU CITY

DEAR JENNY

DR LOVE

DR. LOVE

FACEBOOK

HANGGANG

IHA

LOVE

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with