^

Dr. Love

Walang budhing asawa (Part 2)

-

Dear Dr. Love, 

Good day po! Naaalala mo ba nung lumiham ako sa inyo? Ako po si Michelle ‘yung humingi ng payo sa inyo Dr. Love. Maraming salamat po sa inyong napakagandang payo.

Sana po marami pa kayong matulungan na babae na may problema sa asawa. Dr. Love nais ko po sana humingi ng kaibigan na tapat at tutulungan ako sa aking  problema. Ang number ko po ay 09262242473. Hanggang sa muli, maraming, maraming salamat!!!!

Michelle Inoue

Dear Michelle,

Bago ang lahat, asikasuhin mo muna ang pagtunton sa asawa mong Hapones, hindi para pakisamahan kang muli kundi para sustentuhan niya ang kanyang mga anak sa iyo. Responsibilidad niya iyan bilang ama.

Hindi ko alam ang pasikut-sikot diyan pero siguro’y maaari kang sumangguni sa Japanese Embassy tungkol sa bagay na iyan o maging sa ating Department of Foreign Affairs para bigyan ka ng referral.

Ngayon ay naghahanap ka na naman ng mga kaibigan through this column. Walang masama diyan pero kung ang layunin mo ay makahanap ng love partner, karapatan mo iyan ngunit mag-isip-isip ka baka lalung malaking problema ang kakaharapin mo. Anyway, inilalathala ko ang cellphone number mo sa sarili mong kagustuhan. Sana ay iiwas ka ng Diyos sa posibleng kabiguan.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR MICHELLE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DIYOS

DR. LOVE

HANGGANG

HAPONES

JAPANESE EMBASSY

MARAMING

MICHELLE INOUE

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with