^

Dr. Love

Natukso sa iba ang boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Hindi kumpleto ang araw ko kapag ‘di ko nababasa ang column ninyo. Watch full video

Tulad ng iba, ako rin po ay hihingi ng payo sa inyo. Itago n’yo nalang ako sa pangalang Sweet, 23 yrs. old.

Medyo magulo po ang sitwasyon ko ngayon. Mayroon akong boyfriend, malayo kami sa isa’t isa. Masaya naman po kami sa sitwasyon namin hanggang sa naging busy siya sa trabaho niya. Naputol ang communication namin ng isang buwan hanggang isang araw, nagbalik siya.

Nagkausap kami ng masinsinan. Bigla niyang sinabi na  may bago siyang girlfriend. Ikinagulat ko ito, pero ‘di ko magawang magalit sa kanya. Para siyang nagka-amnesia. Hanggang sa maalala niya ang lahat.

Ngayon po ang gulo pa rin dahil sa ayaw niya ‘kong bitawan. Natukso raw siya sa mga panahong hinahanap niya ‘ko at ang girl ang nasa tabi niya.

Ako raw ang mahal niya pero ‘di niya kayang bitawan ang babae dahil nagbanta ito na magpapakamatay kasama ang batang dinadala niya.

Ang hirap po, Dr. Love ‘di ko siya mabitawan dahil ‘di niya raw kaya pero nahihirapan ako sa sitwasyon na ganito. Laging patago ang pag-uusap namin dahil nakabantay ang babae. Hindi rin siya makapagdesisyon, naguguluhan siya at pati ako.

Dr. Love, tulungan ninyo naman ako, ano ba ang dapat kong gawin? Tatanawin ko itong mala­king utang na loob.

Maraming salamat. God bless.

Sincerely yours,

Sweet

 

Dear Sweet,

Hindi ako babae pero kung ako’y naging isa, kakalimutan ko na lang ang ganyang uri ng lalaki. Ginagawa lang niyang dahilan na hindi niya mahiwalayan ang ibang babae sa buhay niya dahil sa kung anu-anong dahilan. Sa totoo lang, gusto rin niya ‘yun.

Kapag tunay ang pag-ibig, nasa ibang planeta man ang isa ay handang ipaglaban ang true love niya. Ang tunay na pag-ibig ay tapat at hindi nagtataksil.

Kaya masakit man, ang payo ko ay maghanap ka ng ibang lalaking tapat kung magmahal. Ibasura mo na ang isang lalaking walang paninindigan para ipaglaban ka.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

AKO

DEAR SWEET

DR. LOVE

LIBANGAN SECTION

LOVE

LSQUO

NIYA

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with