^

Dr. Love

Na-peke!

-

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa iyo sampu ng mga regular mong tagatangkilik.

Tawagin mo na lang akong Jake, dating nagtatrabaho bilang OFW sa Dubai.

Ang dahilan kung bakit tinerminate ko ang aking work contract ay dahil sa isang “babae” na nakilala ko sa Facebook. Taga-Bulacan siya at nagkagustuhan kami sa Facebook. Ma­ganda ang kanyang profile picture at lahat ng mga litrato niya na naka-post.

Nang umalis ako sa aking trabaho, sinabihan ako ng kompanya na wala na akong babalikan ‘pag umuwi ako ng Pilipinas. Okay lang ika ko dahil marami na akong naipon. Ang nasa isip ko’y pakakasalan ko ang “babaeng” nakilala ko sa Facebook.

Nang umuwi ako, agad kong pinuntahan ang address sa Bulacan ng aking girlfriend at nakita ko naman. Pero wala siya. Pinagtiti­ngi­nan ako ng mga kaanak niya na parang nagt­ataka. Nang sumunod akong nagpunta ay naroroon siya. Para akong nadaganan ng pitong bundok nang malaman kong bading pala siya.

Na-attract ako sa ganda niya pero sa personal ay halatang bakla siya. Gusto ko siyang dagukan pero umalis na lang ako habang umiiyak siya at humihingi ng tawad.

Hindi na ako hihingi ng payo sa iyo. Ibina­bahagi ko lang ito sa mga readers para hindi sila matulad sa akin. Nawalan na ako ng magandang trabaho, natanso pa ako.

Salamat sa pagpapaunlak mo, Dr. Love.

Jake

Dear Jake,

Salamat din at hindi mo ikinahiyang ibahagi ang nakatutuwa mong karanasan. Tama ka. Huwag pasisilaw sa kagandahang hindi natin nakikita ng harapan at baka iyan ay peke.

Sa larawan, ang pekeng Rolex ay kapa­rehas din ng tunay pero kapag sinuri sa toto­hanan ay makikita mo ang malaking pagka­kaiba. Ganyan din ang ibang lalaking nag-aastang babae.

Charge to experience wika nga. Puwede ka pa naman sigurong makapag-apply ng trabaho abroad dahil sa karanasan mo bilang OFW.

Dr. Love

AKO

BULACAN

DEAR JAKE

DR. LOVE

DUBAI

FACEBOOK

GANYAN

HUWAG

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with