^

Dr. Love

Silahis

-

Dear Dr. Love,

How are you Dr. Love? I hope you’re in the best of situations as you receive my letter­. Pakitago mo na lang akong sa alyas na “Closet Queen” may asawa at dalawang anak.

Nasa high school pa lang ako nang una kong madama na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Pero sinupil ko ang aking damdamin.

Pinilit ko ang aking sarili na umibig sa kababaihan. Katunayan, naka-apat ako’ng girlfriends bago ako nagpasyang pakasalan ang aking misis sa ngayon.

Batid kong nilikha ako ng Diyos na isang lalaki, pero bagama’t nagkakagusto rin ako sa babae ay may attraction din sa akin ang kapwa ko lalaki lalo na kung guwapo.

Sa edad kong ito na 30-anyos, hindi ko naranasang makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. Pero pakiramdam ko’y nasa madulas na gilid ako ng isang bangin na maaaring mahulog ano mang oras.

Ano ang dapat kong gawin?

Closet Queen

Dear Closet Queen,

Congratulations sa iyong katatagan. My advice is keep it up. Alam kong patnubay na rin ng Diyos ang sumasaiyo kaya naka­kaya mong paglabanan at supilin ang iyong damdamin.

Isipin mo na lang na tumagal ka na napag­labanan mo ang iyong damdamin, ngayon ka pa ba bibigay?

Isipin mo ang iyong pamilya. Maligaya kayong nagsasama sa loob ng matagal na panahon, pababayaan mo ba itong maba­wasan sakaling ikaw ay “mahulog sa bangin?”

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

BATID

CLOSET QUEEN

DEAR CLOSET QUEEN

DIYOS

DR. LOVE

ISIPIN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with