^

Dr. Love

Ang problema ni Irma

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo Dr. Love. Ako po si Irma 21 anyos at nagtatrabaho bilang computer secretary.

Sumulat ako sa inyo para ihingi ng payo ang aking problema tungkol sa aking boyfriend.

Boyfriend ko na siya since we were in fourth year high school. Marami nga ang humahanga sa amin dahil tumagal kami ng ganoon.

Ang problema ko ay tutol ang mga magulang niya sa akin. Mayaman kasi sila at kami’y mahirap lang. Ang sabi ng boyfriend ko ay huwag akong mag-alala.

Hindi raw siya padidikta sa kanyang mga magulang. May banta ang kanyang magu­lang na itatakwil siya kapag pinakasalan ako.

Niyayaya ko siyang magpakasal na kami total pareho kaming nasa edad na pero sabi niyang wait pa kami ng ilang panahon. Tingin ko’y natatakot din siya sa banta ng kanyang mga parents. Ano ang gagawin ko?

Irma

Dear Irma,

Pagbigyan mo siya tutal bata pa naman kayo. Posible ang iniisip mo na takot siyang itakwil ng magulang at mawalan ng mana.

Pero kung mahal ka niya talaga ay hindi niya pahahalagahan ang pagtatakwil sa kanya ng magulang. Bigyan mo siya ng sapat na panahon dahil afterall, matagal-tagal din ang pinagsa­mahan ninyo bilang magkatipan.

Kumbinsihin mo siya na kahit mawalan siya ng mana, puwede kayong magtulong para mag­karoon ng magandang future. Habang naghi­hintay kayo ng right timing, mag-isip kayo ng business venture. Pagtulungan ninyo at nang sa gayon ay maipakita ninyo sa kanyang magulang na kaya ni’yo ring umunlad ang kabuhayan para sa kinabukasan ng pamilyang inyong itatatag.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

ANO

BIGYAN

DEAR IRMA

DR. LOVE

HABANG

IRMA

KUMBINSIHIN

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with