^

Dr. Love

Lihim na bading

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, let me greet you a pleasant day. Tawagin mo na lang akong Carl, 23-anyos. Sumulat ako dahil sa ako’y dumaranas ngayon ng krisis. Lalaki ako pero bakit ang damdamin ko’y babae. Gustuhin ko mang umibig sa babae ay tumatanggi ang puso ko.

Sinikap kong ma-overcome ito. Ni Minsan ay hindi ako nakipagrelasyon sa kapwa ko lalaki dahil alam kong bawal ito sa Salita ng Diyos. Noong maliit ako’y nakita na ng mga parents ko ang tendency kong maging bakla. Pero iminulat nila ako sa Salita ng Diyos. Choir member pa ako sa aming church.

Nagbinata ako na walang problema. Pinilit kong maging lalaki. Nanligaw ako ng babae pero katagalan ay ako na rin ang umaayaw dahil hindi ko talaga ma-take.

Gusto kong magpakatatag. Mas mahalaga sa akin ang pagsunod sa Diyos kaysa sa aking nadarama. Ano ang dapat kong gawin para mapaglabanan ito?

Carl

Dear Carl,

Ang sabi sa Bible: “I can do anything through Christ Jesus who strengthens me.” Itanim mo sa puso mo na ang lahat ng ating kapintasan at kalikuan ay naipako na sa krus kasama ng ating manunubos na si Jesus at tayo mga bagong nilalang na.

Lagi kang magbulay sa Salita ng Diyos sapagkat iyan lamang ang source ng ating kalakasan. Manalangin ka at kilalanin ang iyong kahinaan at palalakasin ka ng Diyos.

Nagagalak ako sa sinabi mong mas nanaisin mong sundin ang kalooban ng Diyos kaysa iyong damdamin. God honors your declaration of faith. Keep it up and God bless you.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

CHRIST JESUS

DEAR CARL

DIYOS

DR. LOVE

GUSTUHIN

ITANIM

NI MINSAN

SALITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with