^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

-

Dear Dr. Love,

A pleasant greetings to you. I must tell you that I really enjoy reading your love advice column. Nakapupulot ako rito ng nuggets of wisdom.

Tawagin mo na lang akong Jessa, 20-anyos at isang student taking up Masscom. Ang ideal boyfriend ko ay matalino at guwapo and if possible, mayaman.

Sa ngayon ay may tatlo akong manliligaw. Ang isa ay matalino pero hindi masyadong guwapo at ordinaryo ang pamilya. Hindi mayaman at hindi naman mahirap. Average ang looks niya wika nga pero laging top sa klase.

Yung isa naman ay super guwapo talaga. Kaya lang may bad reputation na trouble maker at madalas wala sa klase. Physically ay attracted ako sa kanya pero I’m intelligent enough para malaman na wala akong mapapala sa guwapo nga ay iresponsable naman.

At ang isa naman ay mayaman ang pamilya. Marunong din sa klase pero hindi tulad nung una kong sinabi. Mukha rin siyang responsible pero talagang hindi guwapo.

Tulungan mo nga ako sa pagpili, Dr. Love. I will appreciate it if you can give me some advice.

Jessa

Dear Jessa,

It’s true that in our life, we cannot always have best of both worlds. Sa tatlong katangian na sinabi mo, masuwerte ka kung matagpuan mo ang lahat ng iyan sa iisang tao. Wika nga, nobody is perfect.

Sa pagpili ng lalaki, hindi importante ang itsura basta’t huwag naman super-pangit. Ang pinakamabuting criteria ay yung lalaking mahal mo at kaya kang buhayin kasama ang magiging anak ninyo at higit sa lahat ay faithful.

Tama ka sa pagru-rule-out nung manliligaw mong guwapo pero trouble maker. Well, posibleng magbago ang isang tao pagdating ng araw pero mahirap magbakasakali. Sa pagkakalarawan mo sa lalaking iyan, malamang nga ay lumuha ka lang pagdating ng araw kung siya ang magiging lifetime partner mo.

Tungkol sa manliligaw mong hindi guwapo pero may kaya at medyo matalino, okay marahil iyan pero importante rin ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung wala kang feelings at sasagutin mo siya dahil may kaya sa buhay ang pamilya, baka magsisi ka lang balang araw.

Maganda ang katangian nung una mong manliligaw na matalino pero hindi masyadong pogi. Ang dunong sa pag-aaral ay mahalaga para makapagtaguyod siya ng magandang future sa kanyang magiging pamilya. But again, timbangin mong mabuti ang feelings mo sa kanya at siguruhing mahal mo siya hindi dahil sa kanyang status kundi dahil sa kabuuan ng kanyang pagkatao.

Dr. Love

DEAR JESSA

DR. LOVE

GUWAPO

JESSA

KAYA

MAGANDA

MARUNONG

MASSCOM

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with