Madaling magsawa
Dear Dr. Love,
Hello and a wonderful day to you and all your avid readers. Just call me Weena, 22 years-old, single and presently working as a call center agent.
Modesty aside, maganda ako at attractive. Ang problema ko ay madali akong magsawa sa boys.
At my age, nagkaroon na ako ng 19 na kasintahan. Ang pinakamatagal kong naging boyfriend ay noong 19-anyos ako. Siya ang unang boyfriend ko at mahal na mahal ko siya. Nagtagal ang relasyon namin ng one year. I was so distraught nang makipagkalas siya sa akin at matagal akong nagluksa.
After that, hindi na nagtatagal ang aking pakikipagrelasyon. Kung minsan, after two weeks lang ay nakikipag-break na ako, makakita lang ako nang kahit kaunting kapintasan sa boyfriend ko.
Hindi naman ako playgirl at hindi ko intensiyong paglaruan lang ang mga lalaki. Kapag sinagot ko ang lalaki ay talagang may feelings ako para sa kanya. Pero ewan ko ba at hindi nagtatagal ang feelings na iyon.
Abnormal ba ako, Dr. Love? Please advice me.
Weena
Dear Weena,
Hindi mo nasabi ang dahilan ng pagkaka-break ninyo ng una mong boyfriend. Sa tingin ko, hanggan ngayo’y nasasaktan ka pa sa nangyaring yon. Isang taong nagtagal ang relasyon ninyo and I supposed there was something to it para hindi mo makalimutan.
Marahil, hinahanap mo ang katangian ng dati mong boyfriend sa mga nagiging kasintahan mo kaya madali mo silang ibini-break kapag hindi mo nakita ang katangiang yon.
Ang payo ko sa iyo ay ito. Huwag mo nang hanapin ang qualities ng dati mong boyfriend sa ibang lalaki dahil mabibigo ka lamang. Every individual is unique at walang kaparis. Ganyan tayo ginawa ng Diyos. Iba-iba kahit sa itsura at ugali. Kahit yung mga sinasabing identical twins ay may pagkakaiba rin. Kalimutan mo na siya at mag-move on ka. Maraming lalaki na may maganda ring katangian at alam kong mahahanap mo rin siya pagdating ng araw.
Dr. Love
- Latest
- Trending