^

Dr. Love

Umiibig sa kasintahan ng kapatid

-

Dear Dr. Love,

Ipinararating ko sa iyo at sa mga tagasubaybay ng Dr. Love column ang isang mainit na pagbati. Nag­pasya akong sulatan ka dahil sa isang prob­lema.

Tawagin mo na lang akong Arnel, 19-anyos at isang college student. Ang problema ko ay ang aking itinatagong pag-ibig sa girlfriend ng aking kuya. Nakatakda na ang kasal nila at pilit kong iwina­waksi ang nararamdaman ko.

Dalawang taon din silang magkasintahan at ngayon lang nagpasyang magpakasal. Noon pa man ay may nararamdaman na ako sa aking sister-in-law to be. Pareho lang kami ng edad at sa unang pagkakita ko pa lang sa kanya ay tumibok na ang puso ko.

Ano ang dapat kong gawin? Kahit ano’ng pilit ko’y nangingibabaw ang aking damdamin.

Tulungan mo sana ako, Dr. Love.

 

Arnel

 

Dear Arnel,

Hindi lahat ng nararamdaman ay dapat pawa­lan. May mga damdaming dapat mong supilin, katulad ng nadarama mong pag-ibig sa kasintahan ng kuya mo.

Isipin mo na lang ang inyong pagiging magka­pa­tid ng kuya mo na maaaring masira kung paba­bayaan mong mangibabaw ang nararamda­man mo sa kanyang girlfriend.

Iwaksi mo ang nararamdaman mo at ibaling sa iba ang iyong pag-ibig.

Dr. Love

ANO

ARNEL

DEAR ARNEL

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with