^

Dr. Love

Pagtanaw ng utang na loob

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Mitchi, 35 years old na tumatanaw ng utang na loob sa tita ko na siyang nagpaaral sa akin. Matanda na po siya at sakitin.

May dalawang anak ang tita ko na ang bunsong babae ay halos kasing edad ko. Lagi akong hinihingian ng pera ng pinsan ko kapag naoospital si tita.

Okey naman sa akin dahil tumatanaw ako ng utang na loob. Isa lang akong empleyado sa isang opisina, kaso hindi po maintindihan ng asawa ko ang pagbibigay ko ng pera sa tita ko.

Alam kasi niyang ginawa akong katulong ng tita ko noong dalaga pa ako. Para sa asawa ko ay bayad na ko sa tulong ng tita ko noon pa.

Ano po ang gagawin ko?

Mitchi

Dear Mitchi,

Kapuri-puri ang marunong tumanaw ng utang na loob, lalo na sa taong tumulong para maabot mo ang iyong narating ngayon.

Ang pagtulong sa iyong tita habang siya ay may sakit ay isang paraan ng pagbabalik ng kabutihang ginawa niya para sa iyo.

Pero tandaan mo rin na may pamilya ka nang dapat unahin. Kausapin mo nang maayos ang iyong asawa at ipaliwanag kung bakit mahalaga sa iyo ang pagtulong sa iyong tita.

Maganda kung magkakaroon kayo ng pagkakasundo kung hanggang saan ang kaya ninyong ibigay.

Tandaan mo, ang utang na loob ay hindi nasusukat sa laki ng perang ibinibigay kundi sa tapat na pagpapakita ng pagmamalasakit at pasasalamat.

Tulungan mo ang iyong tita hangga’t kaya, ngunit huwag ding pabayaan ang obligasyon mo sa sariling pamilya.

Sa ganitong paraan, nababalanse mo ang pagmamahal sa kamag-anak at responsibilidad bilang asawa.

Dr. Love

PERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with