^

Dr. Love

Gustong maging musician

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napi-pressure ako sa mama ko dahil gusto niya akong kumuha ng engineering course sa kolehiyo. Hindi naman ako nahihirapan sa Math, sa katunayan ay isa ito sa mga paborito kong subject. Pero ang tunay kong hilig ay music. Pangarap kong maging composer at musician balang araw.

Hindi ko pa masabi kay mama na gusto kong kumuha ng kursong may kaugnayan sa music dahil natatakot akong madismaya siya. Mahal ko ang mama ko at ayokong isipin niyang binabalewala ko ang kanyang mga pangarap para sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Miko

Dear Miko,

Natural lamang na nais ng isang magulang ang pinakamabuti para sa kanyang anak. Marahil kaya gusto ng iyong mama na kunin mo ang engineering ay dahil nakikita niya rito ang mas matatag na kinabukasan para sa iyo. Pero mahalaga rin na marinig niya ang iyong tunay na pangarap.

Subukan mong kausapin siya nang mahinahon at tapat. Ipaliwanag mo kung gaano kahalaga ang music sa iyong buhay at kung bakit doon mo nakikita ang iyong sarili sa hinaharap. Hindi ito pagsuway sa magulang kundi pagiging tapat sa iyong damdamin at mga pangarap.

Makinig ka rin sa kanyang mga pa-ngamba at dahilan. Tandaan mo, mas mahirap tapusin ang kursong hindi mo mahal kaysa pagyamanin ang ta-lento at hilig na tunay mong gusto.

May karapatan kang piliin ang landas na nais mong tahakin, pero gawin ito nang may paggalang at pagpapahalaga sa sakripisyo ng iyong mama.

Sa huli, ang tagum-pay ay mas mada-
ling maabot kapag ang ginagawa mo ay buo mong minamahal.

Dr. Love

MATH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with