^

Dr. Love

Madalang nang magtalik

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Roger, 49-an-yos. Ang misis ko naman ay 52-anyos. Tapat ako sa kanya at ni minsan ay hindi ako nambabae.

Pero dalawang taon na kaming hindi nagsisiping. Noon pa man ay madalang na ang aming pagtatalik, kung minsan ay umaabot pa ng dalawang buwan bago ito mangyari.

Dumating sa punto na nagsawa na akong laging matanggihan kaya tumigil na rin akong humingi ng pakikipagtalik.

Pinilit kong magtiis, pero may mga panga-ngailangan din ang katawan at damdamin ko na matagal nang hindi natutugunan.

Dahil dito, minsan ay naiisip ko kung may katuwiran ba akong humanap ng iba. Ayoko sanang gawin iyon dahil mahal ko pa rin ang aking asawa.

Ano kaya ang posibleng dahilan ng kanyang panlalamig sa akin?

Roger

Dear Roger,

Nauunawaan ko ang nararamdaman mong pagkadismaya at pangungulila. Gayunman, hindi magiging solusyon ang pakikipagrelasyon o pakikipagtalik sa iba habang kayo pa ng iyong asawa. Sinasabi ko ito, lalo na sa panahon ngayon na naoobserbahan ang pag-laganap ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) at iba pang sexual transmitted disease.

Maaari lamang itong magdulot ng mas malaking problema at tuluyang makasira sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa halip na maghanap ng katuwiran sa pagtataksil, ang payo ko ay pagsikapan mong alamin nang mabuti ang ugat ng panlalamig lalamig o kawalan ng gana ng iyong misis.

Maaaring kasi na may pinagdaraanan siya na hindi niya nasasabi sa’yo. Pwede itong  pisikal, emosyonal, o medikal na dahilan.

Sa edad ng iyong asawa, posible ring na may kinalaman ang kawalan niya ng gana sa pakikipagtalaik sa posibleng pagdanas ng menopause, hormonal changes, pagkapagod, stress, o iba pang alalahanin na hindi ka aware.

Kaya i-push mo na magkaroon kayo nang sarilinan na pag-uusap. Tiyakin mo na maging mahinahon at at tapat sa bawat bahagi nito.

Sabihin mo sa kanya ang iyong nararamdaman, hindi bilang reklamo kundi bilang pagnanais na maunawaan siya at buksan ang puso mo para maintindhan siya, higit sa lahat ay mapalapit muli sa kanya.

Pakinggan mo rin ang kanyang panig nang walang panghuhusga.

Ang intimacy ay hindi lamang tungkol sa pagtatalik. Minsan, nagsisimula itong maibalik sa pamamagitan ng lambing, oras para sa isa’t isa, at bukas na komunikasyon.

Bagaman sa madalas na pagkaka-taon, hindi nagiging madali ang tungkol dito. Pwede mong ikonsidera ang paghingi ng payo sa isang marriage counselor o kaya’y doktor para matukoy kung may medikal na dahilan ang kanyang pagkawalang gana at mabigyan kayo ng professional health care.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang pinakamahala-gang hakbang ngayon ay ang muling pagbubukas ng komunikasyon sa pagitan ninyo. Baka matagal na rin niyang hinihintay na pag-usapan ninyo ang problemang ito nang masinsinan.

Dr. Love

ROGER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with