^

Dr. Love

Sugar mommy

-

Dear Dr. Love,

Isang buwan pa lamang akong nagba­basa ng Pilipino Star NGAYON at nakaka­giliwan kong basahin ang Dr. Love column.

Kahit bago pa lang akong tumutunghay ng  inyong malaganap na tabloid, naisipan kong sumulat upang humingi ng payo sa aking problema sa pag-ibig.

Tawagin mo na lamang akong Ising, isang tindera ng isda sa palengke, 49-anyos   at isa nang biyuda. Mayroon akong kina­ka­samang 21-anyos. Marami akong nari­rinig na hindi magandang bulung-bulungan tung­kol sa aming relasyon ni Tibo, isang ka­rga­dor sa palengke kung saan ako nag­titinda.

Hindi ko sila  iniintindi. Basta’t ang alam ko, maligaya ako sa piling ni Tibo. May mga nag­sasabing parang mag-Nanay kami pero kesehoda. Inggit lang sila.

Pinagpayuhan ako ng aking kumare na makipaghiwalay na kay Tibo dahil kinuku­war­­tahan lang daw niya ako. Totoong sunod sa layaw sa akin si Tibo. Nakaka­pagsuot siya ng magagarang damit, sapatos at pa­ba­ngo. Sabi nga ng iba, nagmukha siyang tao magmula nang maging “Mama” niya ako.

Pero nagulat ako nang mabalitaan kong mayroon daw batang dalaga na kinaka­lan­tare si Tibo at girlfriend na raw niya. Ipi­nag­kaila naman ito ni Tibo nang mag-usisa ako.

Isang araw, nabalitaan kong nasa pre­sin­to si Tibo. Nakasaksak siya ng tao. Ang si­­naksak niya ay ang kapatid na lalaki ng girl­friend niya dahil nahuli raw silang  nagdi-date sa isang mall at pilit isinama ng lalaki ang girlfriend ni Tibo. Dahil dito ay sinaksak ni Tibo ang lalaki. 

Masama ang loob ko dahil napatunayan kong niloloko lang ako ni Tibo. Ngayon ay ka­­ilangan niya ng pampiyansa pero nag­ma­matigas akong huwag ibigay ito sa kanya. Tama ba ang ginagawa ko?

Ising

 

Dear Ising,

Matagal ka nang nagbubulag-bulagan da­hil niloloko ka lang at kinukuwartahan ng ki­na­kasama mo. Bayaan mo siyang mabu­lok sa bilangguan para matuto ng leksiyon. Mas ma­ganda kong kalilimutan mo na siya at mag-focus ka sa iyong hanapbu­hay para lu­mago at hindi lang napupunta sa luho ng iyong boyfriend na hindi naman bagay sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DR. LOVE

SHY

TIBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with