^

Dr. Love

Dirty old man

-

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Umaasa akong nasa mabuti kayong kalaga­yan at salamat sa pagtatampok ninyo sa aking sulat.

Tawagin n’yo na lang akong Criselda, 25-anyos at dalaga pa. Mahirap lang kami at ang nanay ko ay may malubhang karamdaman. Patay na ang aking ama at hindi ko maasahan ang iba kong kapatid na pawang may-asawa na lahat.

Isa lang akong sekretarya sa isang kompanya at ang suweldo ko’y halos hindi sapat sa aming panga­ngailangang mag-ina. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-asawa. Ang boyfriend ko ay isa lamang em­pleyadong katulad ko at kung mag­papakasal kami, siguradong bibigyan ko lang siya ng kalbaryo.

Gusto kong ipagamot ang nanay ko. Early stage pa lang naman ng breast cancer ang sakit niya at ayon sa doctor, malaki ang pag-asang gumaling kung maipa-oopera ko siya. Pinaghahanda ako ng P500,000 ng doctor para mairaos ang operasyon.

Sinubukan kong umutang sa may-ari ng kompanyang aking pinagliling­kuran. Sabi ng may-ari, masyadong malaki ang halaga at mahihirapan akong bayaran ito sa aking suweldo. Napansin kong makahulugan ang titig sa akin ng aking amo. Tapos, nagulat ako sa sinabi niya. Type daw niya ako at kung gusto ko, ibabahay niya ako at ibibigay ang lahat ng gusto ko pati na ang pagpapagamot sa aking ina.

Matanda na siya at may asawa at hindi naman ako mumurahing babae na papatol sa kanyang alok. Pero tu­wing naiisip kong nasa bingit ng ka­ma­tayan ang nanay ko, parang gusto ko nang kumagat sa alok niya. Ano ang dapat kong gawin?

Criselda

 

Dear Criselda,

Hindi mo dapat ibenta ang iyong kata­wan sa “dirty old man” mong amo para lang maipagamot ang nanay mo.

Maraming charitable institutions na makatutulong sa iyo para sagutin ang medical needs ng iyong magu­lang. Kahit sa Chinese General Hos­pital ay mayroong isang Chu Chi Foun­dation na puwede mong dulu­gan para malutas ang iyong proble­ma.  Puwede ka ring lumapit sa Phi­lippine Charity Sweepstakes Office para humingi ng financial support. Marami pang ibang NGOs o ahensiya ng pamahalaan na handang tumu­long sa mga nangangailangang ma­mamayan kaya huwag kang kakapit sa patalim, baka ka matetano.

Nakakakulo ng dugo ang amo mong mapagsamantala. Huwag kang papatol diyan dahil kahit mahi­rap ka, mayroon kang dangal na hindi puwedeng bilhin ng pera.

Dr. Love

vuukle comment

CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

CHINESE GENERAL

CHU CHI FOUN

CRISELDA

DR. LOVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with