^

Dr. Love

Ipinagkasundo

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lamang akong Mercy, 23-anyos. Matagal nang patay ang Nanay ko. Namatay siya sa pagsisilang sa akin. Ang Itay ko nama’y may cancer at tinaningan na ng anim na buwan ang buhay.

May boyfriend ako na mahigpit na tinututulan ng aking Itay. Kaya pala, sinabi niya sa akin na may best friend siya at nagkasundo sila noon na ipakakasal sa isa’t isa ang kanilang mga anak. Ipinagkasundo ako ni Itay na ikasal sa anak ng kanyang best friend at kumpare.

Ayaw ko sa lalaking ito kahit mabait naman. Guwapo naman ang lalaki pero wala akong nadarama para sa kanya. Sinabi ko na ito kay Itay pero nagalit siya. Isinisi pa sa akin ang kamatayan ng aking ina. Dapat daw, bumawi ako sa kasalanan ko at sundin ang gusto niya.

Sa kabila nito, mahal ko ang aking ama at kung susuwayin ko siya, nag-aalala akong baka hindi matahimik ang kanyang kaluluwa.

Tulungan mo ako, Dr. Love.

Mercy


Dear Mercy,


Sa maraming bagay, dapat sundin ng anak ang kanyang mga magulang. Pero may mga bagay na ang tao ang dapat masunod at hindi puwedeng diktahan kahit ng kanyang magulang.

Pagdating sa pagpili ng magiging asawa, ang magagawa lang ng magulang ay magbigay ng payo. Anak pa rin ang huling nagpapasya.

Hindi kasalanang labagin ang gusto ng magulang kung suliranin sa puso ang pag-uusapan. Huwag kang mabahala sa sinabi ng iyong ama na kasalanan mo ang pagkamatay ng iyong ina. Lahat ng babaeng nagsisilang ng anak ay nakaharap sa ganyang panganib at hindi kasalanan ng sanggol na isinilang kung mamatay man ang isang ina.

Nasa iyo ang huling desisyon. Sino ang pipiliin mo, ang gusto ng iyong ama o ang itinitibok ng iyong puso?

Alalahanin mo, ang kasal ay panghabambuhay. Kung magpapakasal ka sa lalaking hindi mo gusto, kaligayahan mo ang mapapariwara.

Dr. Love

ALALAHANIN

ANAK

ANG ITAY

AYAW

DAPAT

DEAR MERCY

DR. LOVE

GUWAPO

HUWAG

IPINAGKASUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with