Pekeng singsing
Dear Dr. Love,
Mayroong nanligaw sa akin. Simpatiko, mahusay manamit at may kotse. Nakilala ko siya sa isang birthday party ng isang common friend. Nang matapos ang party, nag-alok siya na ihahatid ako pauwi.
Pumayag ako at mula noon, dumalas ang pagdalaw niya sa akin.
Sa ikaapat na pagdalaw ay may dala-dala siyang mga bulaklak at isang maliit na kahon na may lamang singsing na sa tingin ko’y ginto at brilyante.
Tinanggap ko ang mga bulaklak ngunit hindi ang singsing dahil sabi ko, hindi pa kita sinasagot at wala tayong relasyon.
Pero ipinilit niyang ibigay at sabi niya, symbol lang ng pagkakaibigan namin kaya kinuha ko.
Nang makita ito ng best friend ko, nagandahan siya pero nang hilingin niyang hubarin ko at kikilatisin niya, natawa siya dahil ni hindi raw ito nagkakahalaga ng limandaang piso. Peke!
Ang friend ko ay anak ng may-ari ng malaking pawnshop kaya siya nakakaintindi.
Natawa rin ako pero naisip ko na paano ko sasabihin sa manliligaw ko ito nang hindi siya mapapahiya?
Sa totoo lang, wala naman akong gusto sa kanya dahil may kayabangan.
Ditas
Dear Ditas,
Kung wala kang gusto, bastedin mo na siya kasabay nang pagsasauli mo sa fake na singsing.
Say it in a very polite and nice way na wala kang nararamdaman para sa kanya.
Basta ibalik mo ang friendship ring kahit hindi mo na isumbat pa na ito ay fake.
Dr. Love
- Latest