Dahil tinodo ang intrega
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Isa po ako sa inyong mga masugid na tagasubaybay at humahanga sa mga payo ninyo.
Ako po si Carlo, 35 years old, may asawa at dalawang anak. Gusto ko po sanang humingi rin ng payo tungkol sa usaping pinansyal sa aming mag-asawa.
Simula po nang ikasal kami, napagkasunduan namin na si misis ang humawak ng pera.
Lahat po ng sahod ko ay diretso kong iniaabot sa kanya, at siya na ang bahala sa budget para sa mga gastusin sa bahay, pagkain, kuryente, tubig, at iba pa.
Hindi naman po ako nagrereklamo dahil maayos naman siyang mag-manage ng pera, at laging sapat ang budget namin buwan-buwan.
Pero minsan po, nakakaramdam ako na parang wala akong control o partisipasyon pagdating sa pera.
Kapag may gusto akong bilhin para sa sarili ko, o kapag may biglaang gastusin na gusto kong tugunan, kailangan ko pang humingi sa kanya.
Naiintindihan ko naman na mas magaling siyang mag-budget kaysa sa akin, pero gusto ko rin sanang maramdaman na may ambag ako sa mga desisyon tungkol sa pera.
Minsan ay naisip ko na baka mas maayos kung maglaan kami ng kaunting halaga na pwedeng mapunta sa akin bilang “allowance” o kaya’y magkaroon ng savings na parehong naming alam at pinagpapasyahan.
Paano ko po maipaparamdam na gusto ko lang maging bahagi ng mga desisyon pagda-ting sa aming pinansyal na kalagayan nang hindi nagdudulot ng away o sama ng loob?
Carlo
Dear Carlo,
Mainam na sabihin mo nang mahinahon at tapat ang iyong nararamdaman sa iyong misis.
Iwasan ang tono ng paninisi at sa halip, ipakita ang iyong layunin na mas mapatatag pa ang inyong partnership.
Maaaring simulan mo ang usapan sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang husay sa paghawak ng pera at ang pagnanais mong magtulungan pa lalo sa aspektong ito.
Isang magandang mungkahi ang pagkakaroon ng “personal allowance” para sa inyong dalawa.
Hindi ito nanga-ngahulugan ng paghiwalayin ang inyong mga pananalapi, kundi isang paraan para magkaroon kayo ng sariling budget na maaaring gastusin sa mga personal na pangangailangan o kagustuhan.
Sa ganitong paraan, pareho kayong may kalayaan habang nananatiling responsable sa inyong pinagsamang gastusin.
Bukod dito, maaari rin kayong maglaan ng oras buwan-buwan upang pag-usapan ang inyong financial goals at kalagayan. Ang pagbabahagi ng opinyon at plano tungkol sa pera ay isang magandang paraan upang mapanatili ang transparency at pagtitiwala.
DR. LOVE
- Latest