Matandang dalaga
October 5, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang ako sa alyas na White Lily. Sa gulang na 37-anyos, dalaga pa ako dahil akoy nalibang sa aking bokasyong pagtuturo. Kapag kapiling ko ang aking mga pupils sa elementarya, naliligayahan ako.
Ito ang dahilan kung bakit nakalimutan ko nang umibig. Ang puso ay nakalaan lang para sa mga batang aking tinuturuan. Patay na kapwa ang aking mga magulang at ang mga kapatid ko ay nasa Amerika nang lahat.
Noong bata-bata pa ako, gusto ng kapatid ko na ipetisyon ako pero ako ang umayaw. Hindi ko maiwan ang aking mga pupils.
Pero sa gulang ko ngayon, naiisip ko ang aking kinabukasan. Paano kung retirado na ako? Paano kung matanda na akot wala nang silbi? Sino ang mag-aaruga sa akin?
Hindi naman sa nagsisisi ako pero natural lang siguro na isipin ko ang aking magiging kinabukasan. May manliligaw ako ngayon. Siya ay 47-anyos at isang biyudo. Wala akong feelings para sa kanya pero gusto ko siyang sagutin para maging secure ang future ko. Tama ba ito?
White Lily
Dear White Lily,
Parang hindi magandang dahilan na magpapakasal ka only for your futures security. Sa pagpapakasal, kailangang may pag-ibig na namamagitan.
May mga nag-aasawa naman na ang hanap ay companionship lang. Baka sa tagal ng pagsasama ay ma-develop ang pag-ibig. Siguro, tantiyahin mo muna ang sarili mo. Kung hindi madedevelop ang pag-ibig, mas mabuting manatili ka na lang matandang dalaga at maghintay ng ibang manliligaw na mapupusuan mo.
Hindi ka pa naman masyadong matanda at naniniwala akong may iba pang lalaking magkakainteres sa iyo. Maghintay ka pa ng kaunti.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended